News Releases

English | Tagalog

Habulan para sa NBA Playoffs, mapapanood sa ABS-CBN, S+A

February 28, 2019 AT 04:52 PM

NBA's Playoff push starts this March on ABS-CBN, S+A

The Playoff push begins!

Nagsimula nang maglaban-laban para sa walong pwesto sa kani-kaniyang konperensiya ang mga koponan para sa NBA Playoffs at mapapanood ng mga Pilipino ang mas umaatikabong aksyon sa mas pinaigting coverage ng NBA sa ABS-CBN S+A at “NBA SabaDos” sa ABS-CBN ngayong Marso.
 
Raratsada ang Philadelphia 76ers at Oklahoma City Thunder ngayong Biyernes (Marso 1) ng 9 am, LIVE sa S+A, tampok sina 76ers All-Star na si Joel Embiid at Thunder All-Star na si Russell Westbrook. Samantala, mainit na bakbakan naman sa pagitan ng Brooklyn Nets at Charlotte Hornets ang matutunghayan sa “NBA SabaDos” ngayong Sabado (Marso 2), LIVE sa ABS-CBN ng 8:30 am. Mukhang makakapasok na sa Playoffs ngayong taon ang Nets dahil sa ganda ng inilalaro ng kanilang All-Star na si D’Angelo Russell. Pero sapat na ba iyon para madaig ang Hornets at All-Star nitong si Kemba Walker?
 
Sa Linggo (Marso 3), lilipat ang aksyon sa Western Conference sa pagbisita ng Thunder sa San Antonio Spurs sa AT&T Center LIVE ng 9:30 am. Kasalukuyang nakikipaglaban ang Spurs para sa ika-walong pwesto para sa Playoffs, kung saan maaari nila itong hindi mapasok sa unang pagkakataon mula nang hawakan sila ni Gregg Popovich.
 
Bukod pa riyan, marami pang basketball na lalaruin at mapapanood sa S+A ngayong Marso. Lumalaban pa rin para sa ika-walong pwesto sila LeBron James at Los Angeles Lakers sa mabigat na Western Conference, kung saan nakasalalay ang rekord ni James, na ilang sunod na taon nang naglalaro sa Playoffs. Haharapin nila sina Kyrie Irving at Boston Celtics sa Marso 10, LIVE ng 9:30 am at lilipad patungong Toronto para naman kay Kawhi Leonard at sa Raptors sa Marso 15, LIVE ng 9:30 am sa S+A.
 
Samantala, lalaban din ang isa pang koponan ng Los Angeles, ang Clippers, na nakikigulo rin para sa Playoffs, kontra sa Brooklyn Nets sa Marso 18, na mapapanood din ng LIVE sa S+A ng 9 am.
 
Huwag palampasin kahit isang laro ngayong Marso sa NBA coverage ng S+A para sa nalalapit na NBA Playoffs na sisimulan ng harapang Philadelphia 76ers at Oklahoma City Thunder ngayong Biyernes (Marso 1) LIVE sa S+A ng 9 am.
 
Para sa balita at karagdagang impormasyon, bumisita sa sports.abs-cbn.com at sundan ang @ABSCBNSports sa Facebook at Twitter. Para sa updates, sundan ang @ABSCBNPR sa Facebook, Instagram, at Twitter o bisitahin ang www.abscbnpr.com.