News Releases

English | Tagalog

Kiligin kasama si Priyanka Chopra ngayong Pebrero sa Zee Sine ng SKY Cable

February 04, 2019 AT 11:44 AM

Bibida ngayong buwan ng puso ang Bollywood romance movie na pinangungunahan ni Priyanka Chopra sa Tagalized Indian channel na Zee Sine sa SKY  
Nagbabalik-telebisyon ang bagong asawa ng Hollywood singer and actor na Joe Jonas na si Priyanka Chopra sa 2012 movie na “Teri Meri Kahaani” na ipapalabas ngayong Araw ng mga Puso.
Matapos ang tatlong taon, nagsama muli sina Priyanka at Shahid Kapoor sa romance film at bibigyang buhay ang tatlong couples sa tatlong magkakaibang panahon: taong 1910, bilang dalawang taong nag-ibigan sa panahon ng British Raj (o British Rule) at pilit pinaglayo ng mga taong nakapalagid sa kanila; taong 1960; bilang isang Bollywood actress at isang naghihikaos na musikero; at taong 2012 naman bilang college students. Labis ang kanilang pagmamahalan ng dalawa kaya’t pilit silang pinagtatagpo ng tadhana.  
Maliban sa dalawang pelikula, mapapanood din ng SKY subscribers ang “Sanam Teri Kasam” at “No Smoking.”
Gusto niyo bang makanood ng maraming sikat na Tagalized Bollywood movies?
Alamin na iyan sa Zee Sine na available sa SKY Select. Maari niyong mapanood ang channel ng libre hanggang April 14,2019 sa channel 112 sa Metro Manila, channel 424 sa Baguio, Cebu, at Davao. Sa SKY Select, may option mamili ang SKY subscriber ng iba’t ibang channel sa existing cable TV line-up nito. Para sa karagdagang impormasyon sa Zee Sine at iba pang produkto ng SKY maaring bisitahin ang mysky.com.ph, o tawagan ang Telesales Hotline sa (02) 418 0000, o bumisita sa kahit anong SKYzone o SKY office na malapit sa inyo.
 
Hatid ng ZEE SINE ang isang mundo ng 24/7 Bollywood entertainment na puno ng magagandang values, nakakaantig na kwento, magagarbong kasuotan, nakakamamanghang sinematograpiya, mamahaling artista, kanta at dance numbers lahat nakasalin sa Pilipino. Ang ZEE SINE ay meron mahigit na 355 titles at tatlong pelikula bawat araw na pinangungunahan ng sikat na international Bollywood stars.
Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin angwww.abscbnpr.com.