News Releases

English | Tagalog

ANDREA AT KYLE, MAKIKIPAGKULITAN BILANG MYX CELEBRITY VJs NGAYONG LOVE MONTH

February 07, 2019 AT 04:56 PM

Andrea and Kyle celebrate love month as MYX Celebrity VJs

Usher in love month with “Kadenang Ginto” stars Andrea Brillantes and Kyle Echarri as they welcome new music and messages of love as MYX Celebrity VJs this February.

 

Mga mensahe ng pag-ibig, tampok sa #LoveOnMYX

 

Ang “Kadenang Ginto” stars na sina Andrea Brillantes at Kyle Echarri ang mga bida ngayong buwan ng pag-ibig bilang MYX Celebrity VJs na maghahatid ng bagong musika at mensahe ng pagmamahal ngayong  Pebrero. 

Bubuhayin pa lalo nina Andrea at Kyle ang numero unong music channel ng bansa sa kanilang kulitan habang dala ang mga hiling na kanta, bagong tugtugin, at madamdaming mga mensahe para sa MYX viewers.

Haharap naman ang funk rock band na IV of Spades sa music channel bilang “MYX Headliner.” Tunghayan ang lead vocalist at bassist na si Zild Benitez, lead guitarist na si Blaster Silonga, at drummer na si Badjao de Castro sa kanilang pagtatanghal sa mga minahal na kanta tulad ng “Bawat Kaluluwa,” “In My Prison,” at “Mundo.”

Maki-jam naman kasama ang rapper-producer duo na Good Kid$, binubuo nina Gaby Singson at Bernie Margulies, na tatayo naman sa ilalim ng “MYX Spotlight.” Tuklasin and kanilang hip-hop/rap tracks tulad ng“Eyes,” “For Tonight,” at “Show Me,” sa kanilang pagsali sa music channel para sa kabuuan ng buwan.

Samantala, maaaring maghandog ng love notes ang mga manonood para sa kanilang special someone sa Love on MYX at magkaroon ng pagkakataon na basahin ng kanilang paboritong VJ ang nasabing mensahe sa MYX Valentine’s Day Special. Para sa mga mensahe, pumunta lamang sa myxph.com.

Makisaya ngayong Pebrero kasama ang MYX Celebrity VJs na sina Andrea at Kyle sa “Pop MYX” hanggang Pebrero 9, “Mellow MYX” sa Pebrero 10 hanggang 15, “Pinoy MYX” sa Pebrero 17 hanggang 23, at “My MYX” sa Pebrero 25 hanggang 28. Mapapanood ang MYX sa ABS-CBN TVplus channel 12, sa SKYcable channel 23, at SKYdirect channel 37. Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin angwww.abs-cbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE