News Releases

English | Tagalog

Joem, mamaliitin ng pamilya ni Denise sa “MMK”

March 01, 2019 AT 04:05 PM

Joem gets ridiculed by Denise’s family on “MMK”

Joem Bascon will face a huge challenge in proving himself worthy of Denise Laurel’s love in a story of determination and commitment in this Saturday’s (March 2) “MMK.”

Paghihirapan ang kanilang pag-ibig at mga pangarap

Malaking hamon ang haharapin ni Joem Bascon upang ipaglaban ang kanyang pag-ibig para kay Denise Laurel ngayong Sabado (Marso 2) sa “MMK.”
 
Matagal nang pangarap ni Emman (Joem) ang makatapos ng pag-aaral, ngunit dahil sa kahirapan, hindi niya ito makakamit. Mamamasukan siya sa isang bakery kung saan boss niya si Maricar (Denise), ang babaeng magpapatibok ng kanyang puso.
 
Tututulan ng pamilya ni Maricar ang kanilang relasyon dahil sa takot na hindi kayang buhayin ni Emman ang kanilang anak dahil wala itong natapos. Kahit mahirap, susubukan ni Emman na makatapos para mapatunayan ang sarili sa mga magulang ni Maricar at na karapat-dapat siya sa pagmamahal nito.
 
Paano malalagpasan ni Emman ang mga pagsubok sa kanyang buhay at sa relasyon nila ni Maricar?
 
Kasama rin sa episode na ito si Xia Vigor. Ang episode ay sa ilalim ng direksyon ni Carlo Po Artillaga, at panunulat ni Akeem Del Rosario
 
Panoorin ang longest-running drama anthology sa Asya, ang “MMK,” tuwing Sabado ng gabi sa ABS-CBN.  Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin ang www.abscbnpr.com.