News Releases

English | Tagalog

Aksyon at suspense sa "Playhouse," kinapitan sa buong bansa

March 11, 2019 AT 10:49 AM

Action and suspense-filled "Playhouse" wins viewers nationwide

The riveting turn of events in the top-rating Kapamilya series “Playhouse” gripped viewers nationwide.

Kinapitan ng mga manonood sa buong bansa ang makapigil-hiningang misyon nina Patty (Angelica Panganiban) at Marlon (Zanjoe Marudo) na sagipin ang kanilang inaanak na si Robin (Justin James Quilantang) sa top-rating na Kapamilya seryeng “Playhouse.”
 
Dahil sa muling pagsasanib-pwersa ng mag-asawa para kay Robin kasama na ang tulong ni Natalia (Maxene Magalona), nakakuha ang “Playhouse” ng national TV rating na 17.9% noong Huwebes (Marso 7), base sa datos ng Kantar Media. Sampung puntos naman ang lamang ng show laban sa kalabang programa nitong “Hiram na Anak” na nagtala lang ng 7.8%.
 
Siksik sa aksyon at suspense ang mga naging tagpo sa kwento lalo pa’t nasubok din ang pag-ibig ni Natalia para sa asawang si Peter (Ivan Padilla) na siyang may pakana sa naturang pagdukot, habang pinatunayan naman ni Natalia na mas matimbang ang pagmamahal niya para sa pamangkin.
 
Ngunit kahit ligtas na si Robin, hindi pa tuluyang napupuksa ang panganib para kina Patty, Marlon, Natalia, at Robin.
 
Sa huling dalawang linggo ng “Playhouse,” babalik pa si Peter para maghiganti sa kanila at wakasan ang kanilang mga buhay.
 
Kaya bang pigilan nina Patty at Marlon ang kasamaan ni Peter?
 
Tutukan ang “PlayHouse” tuwing umaga sa ABS-CBN at sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin ang www.abscbnpr.com.