News Releases

English | Tagalog

“THE ACES” CONCERT, MAPAPANOOD NA SA BIG DOME NGAYONG MARCH 30

March 11, 2019 AT 06:25 PM

“The ACES” concert conquers the big dome on March 30

Jona, Darren, and Lani sing beautiful music together in another exquisite show

Naghahanda na sina Jona, Darren Espanto, at Lani Misalucha para sa inaabangang Manila leg ng “The ACES” concert tour sa pagsasama-sama ng tatlong powerhouse Kapamilya singers sa entablado ng Araneta Coliseum sa darating na March 30 (Sabado), 8 pm.
 
Pupunuin ng Fearless Diva, Total Performer, at Asia’s Nightingale ng mga bonggang production numbers ang Big Dome para sa konsiyertong mula sa director na si Marvin Caldito kasama si Jimmy Antiporda bilang musical director.
 
Susundan nito ang back-to-back success ng “The ACES” concerts sa Visayas at Mindanao. Nauna itong ginanap sa Waterfront Cebu noong February 2 at nasundan ng show sa SMX Convention Center sa Davao City noong March 2.
 
Ang one-of-a-kind show ng tatlong henerasyon ng magagaling na mang-aawit ay handog ng Star Music, Star Events at CCC Productions. Kasama rin ang PLDT Home bilang co-presentor.
 
Samahan sina Jona, Darren, at Lani sa “The ACES” concert na magaganap sa March 30. Maaaring bumili ng ticket sa Ticketnet Online. Para sa karagdagang impormasyon, i-like ang Star Music sa facebook.com/starmusicph, at sundan ito sa Twitter at Instagram @ StarMusicPH.