News Releases

English | Tagalog

Hanie, evicted na sa Bahay ni Kuya

March 19, 2019 AT 09:28 AM

Ang Athletic Cutie ng Isabela na si Hanie Jarrar ang pinaka-latest housemate na lumisan sa Bahay ni Kuya noong Linggo (Marso 17) sa "Pinoy Big Brother Otso."
 
Mula sa limang nominado, ang 19-year old ex-housemate ay na-eliminate matapos makuha ang pinakamababang boto na 5.09%. 
 
Sa pag-alis ni Hanie nabunutan naman ng tinik sa dibdib sina Lou (37.07%), Andre (25.64%),  Shawntel (17.54%), at Thea (14.65%) na may tsansang patunayan pa ang sarili matapos mailigtas ng sambayanan. 
 
Katulad nilang apat, naging maswerte din sina Earl Kim Franco at Camille Sandel  na naging opisyal ng mga housemates matapos manalo ng Team Bahay sa second big battle ni Kuya. Naipamalas nga ng dalawa ang pagiging mabubuting lider kaya naman pinanigan sila ng celebrity judges na sina Jona, Wacky Kiray, at TNT Boys na sina Keifer Sanchez, Mackie Empuerto, at Francis Concepcion noong Sabado (Marso 16) ng gabi.
 
Hindi naman natitigil ang pasabog ni Kuya sa huling dalawang linggo ng adult housemates sa bahay dahil magsisimula na ngayong linggo ang big jump challenge to big four. 
 
Isa sa otsong housemates kabilang sina na Fumiya Sankai na magdiriwang ng kanyang kaarawan ngayong linggo at si Yamyam Gucong ang may tsansang makuha ang gintong medalyon at mapabilang sa big four ng adult housemates.
 
Sino kaya sa otsong housemates ang mananalo sa hinandang big jump challenges ni Kuya? Ano naman kaya ang partisipasyon ng house challengers sa big jump challenges?
 
Panoorin ang “PBB Otso,” gabi-gabi sa Primetime Bida ng ABS-CBN, pagkatapos ng “Halik,” tuwing Sabado pagkatapos ng “Home Sweetie Home,” at tuwing Linggo pagkatapos ng “Wansapanataym.”Mapapanood din ang “PBB Otso Gold” sa Kapamilya Gold pagkatapos ng “Los Bastardos.”
 
Maaari namang subaybayan ang “Camp Star Hunt” at ang livestream ng “PBB Otso” sa iWant.
 
Sundan ang @PBBabscbntv sa Facebook, @PBBabscbn sa Twitter, @pbb_abscbn sa Instagram, at Pinoy Big Brother sa YouTube. Maaari ring sundan ang @starhuntabscbn sa Facebook, Twitter, and Instagram.
 
 
Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram, o kaya’y bisitahin ang www.abscbnpr.com.