News Releases

English | Tagalog

"Nang Ngumiti Ang Langit," kinagiliwan ng manonood

March 26, 2019 AT 04:17 PM

Mas maraming Pilipino ang sumubaybay sa unang episode ng pinakabagong daytime Kapamilya serye na "Nang Ngumiti Ang Langit" nitong Lunes (Marso 25) ng umaga.

 

Nanguna sa national TV ratings ang "Nang Ngumiti Ang Langit" at nakakuha ng 15.8% kumpara sa katapat nitong "Hiram Na Anak" na nakakuha lamang ng 8.9%, base sa datos ng Kantar Media.

 

Bukod sa ratings, trending topic naman sa online ang pagbabalik ni Kaye Abad sa telebisyon at ang official hashtag ng unang episode na #NNALUnangNgiti sa Twitter.

 

Ayon kay @_yencrxz, "Ang gandang simula!! OMG dami na agad nangyari. Pinakilig,pinatawa, at pinaiyak na ko agad unang araw pa lang. #NNALUnangNgiti "

 

Muntik namang hindi mapigilan ng Twitter user @RJM_3080 ang kanyang damdamin,"Kailangan sa TV na ako manood simula bukas! Hirap umiyak at makasigaw kay kaye sa fight scene, muntik ko maitsa cellphone ko. #NNALUnangNgiti."

 

"The reason why @kaye_abad is my all time favorite.. grabe I can feel the emotions talaga...nanunuot! #NNALUnangNgiti,"sabi ni @JanneE_Uy.

 

"Grabe ang galing pa rin ni Kaye Abad. Walang kupas. Dami ko nahula. Nakakaiyak. #NNALUnangNgiti,"saad ni @dhebzzZ1110. 

 

Sa unang episode,nakita ni Ella (Kaye), ang anak sa labas ni David (Dante Rivero), ang pinuno ng pamilya Salvador, kung paano unti-unting nabuo ang hidwaan sa pagitan ng kanyang pamilya at ng mga Villaluna.  Lalo pang sumidhi ang iringan ng dalawang pamilya nang ipapatay ni David tatayni Ella.

 

Ngunit sa pagdaan ng panahon, nahulog ang loob ni Ella sa panganay ng mga Villaluna na si Michael (RK Bagatsing) na hindi siya iniwan sa panahong wala siyang masasandalan. 

 

Hindi niya aakalain na ang kanilang pagmamahalan ay magreresultasapagkamatay ng kapatid na aksidenteng nabaril ni Michael si Eric (Rafa Siguion-Reyna).

 

Huwag palampasin ang mangyayaring pagbabago sa buhay nina Ella at Michael. Ito kaya ang maging mitsa ng pagkatapos ng kanilang relasyon? 

 

Panoorin ang "Nang Ngumit Ang Langit" araw-araw bago mag-"It's Showtime." Sundan ang @RSBDramaUnit sa Facebook, @RSBDramaUnit sa Twitter, at @nangngumitianglangit_abs-cbn sa Instagram.

 

Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram, o kaya’y bisitahin ang www.abscbnpr.com.