News Releases

English | Tagalog

Yamyam, pasok na sa big four

March 26, 2019 AT 09:43 AM

 

Ang Iskulit Bai ng Bohol na si Yamyam Gucong ang pinaka-unang adult housemate na napabilang sa Big Four adult batch na mabubuo ngayong Miyerkules (Marso 28) sa "Pinoy Big Brother Otso."

 

Tatlo lamang mula sa natitirang mga housemate na sina Lou Yanong, Andre Brouilette, Shawntel Cruz, Thea Rizaldo, at Fumiya Sankai ang makakasama ni Yamyam sa 'big four' ng adult batch at malalaman ito sa pamamagitan ng botohan. 

 

Habang painit na ng painit ang labanan ng adult housemates, patuloy naman ang pasabog ni Kuya sa edisyong ito sa bagong labing-anim teen housemates na makikilala ng mga Kapamilya at magpapasiklab sa isang isla ngayong tag-araw. 

 

Samantala, isang emosyonal na Yamyam ang nakita ng mga manonood noong Sabado (Marso 23)  nang matalo niya sina Lou Yanong at Andre Brouilette at nakamit ang gintong medalyon.

 

"Nagawa kong mas mapalapit na sa mga pangarap ko, Kuya," saad ng Iskulit Bai ng Bohol.

 

Kung pinalad si Yamyam na makasama sa big four, kabaligtaran naman ang sinapit nina Camille Sandel at Kim Franco matapos mapaalis sa bahay ni Kuya matapos makakuha ng 1.05 percent at 1.6 percent ng boto mula sa taumbayan.

 

Iniligtas ng manonood ang kalahati ng Fumiyam na si Fumiya Sankai na nakakuha ng pinakamataas na boto noong Linggo na 87.5 percent, kasama sina Thea Rizaldo na may 5.33 percent at Shawntel Cruz na may 4.52 percent.

 

Nasa kamay na ng taumbayan kung sino sa limang housemates ang makakasama ni Yamyam sa batch two ng 'big four' matapos binuksan ni Kuya ang botohan noong Linggo (Marso 24). 

 

Para bumoto, i-text ang BB(space) Pangalan ng Adult Housemate at i-send sa 2366.

 

Panoorin ang “PBB Otso,” gabi-gabi sa Primetime Bida ng ABS-CBN, pagkatapos ng “Halik,” tuwing Sabado pagkatapos ng “Home Sweetie Home,” at tuwing Linggo pagkatapos ng “Wansapanataym.”Mapapanood din ang “PBB Otso Gold” sa Kapamilya Gold pagkatapos ng “Los Bastardos.”

 

Maaari namang subaybayan ang “Camp Star Hunt” at ang livestream ng “PBB Otso” sa iWant.

Sundan ang @PBBabscbntv sa Facebook, @PBBabscbn sa Twitter, @pbb_abscbn sa Instagram, at Pinoy Big Brother sa YouTube. Maaari ring sundan ang @starhuntabscbn sa Facebook, Twitter, and Instagram.

 

 

Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram, o kaya’y bisitahin ang www.abscbnpr.com.