News Releases

English | Tagalog

INIGO AT WENGIE, NAGSAMA PARA SA BAGONG SINGLE NA “MR. NICE GUY”

March 27, 2019 AT 06:18 PM

Inigo, Wengie collab for new single “Mr. Nice Guy”

Inigo teams up with Australia’s biggest YouTube star!

Inigo, may proyekto kasama ang biggest YouTube star ng Australia!
 
Handa na ang Filipino pop star na si Inigo Pascual na bihagin pa ang mas maraming makikinig sa kanyang musika sa kanyang pakikipagsanib-pwersa sa pinakapopular na YouTuber mula sa Australia na si Wengie sa pinakabago niyang single na “Mr. Nice Guy.”
 
Magiging bahagi ang inaabangang collaboration kasama ang Chinese Australian singer ng sophomore album ni Inigo na malapit nang ilunsad sa ilalim ng ABS-CBN Music International.

"Matagal na akong K-pop fan kaya excited akong maka-collaborate ang isang YouTube superstar at ang production team na nakakatrabaho ang BTS," pagbabahagi ni Inigo.
 
Bukod kay Wengie, nakatakda ring makatrabaho ni Inigo ang ilan pang artists mula sa ibang bansa at maglabas ng isa pang collaboration single sa Mayo.
 
Isang lifestyle vlogger at voice actress si Wengie na kasalukuyan ay meron nang 13 million subscribers sa kanyang main YouTube channel. May iba’t iba pa siyang channel, kabilang na ang Wengie Music na kung saan tampok naman ang mga sikat niyang awitin tulad ng “Oh I Do,” “De Ja Vu,” at “Cake.”
 
Sa kasalukuyan, si Inigo ay isa sa VJs ng numero unong music channel sa bansa, ang MYX, at isa sa hosts ng online show “One Music POPSSSS.” Ang official lyric video ng kanyang big hit na “Dahil Sa’Yo” ay isa sa pinakamatagumpay na OPM entries na sa kasalukuyan ay meron nang 92 million views. Noong 2017, naglabas naman ang nasabing Star Music artist ng kanyang Philippine version ng “Remember Me,” ang official theme song ng Disney movie na “Coco.”
 
Isa lamang si Inigo sa Kapamilya artists na unti-unting pinapasok ang international music scene sa patuloy na pagtataguyod at pagbabahagi ng ABS-CBN ng mga talent ng mga Pilipino sa buong mundo.
 
Abangan ang “Mr. Nice Guy” nina Inigo at Wengie” sa digital stores ngayong Abril. Para sa karagdagang detalye, i-like ang Star Music sa facebook.com/starmusicph, at i-follow sa Twitter at Instagram @ StarMusicPH.
 

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 3 PHOTOS FROM THIS ARTICLE