News Releases

English | Tagalog

Fumiya, Lou, at Andre, kasama ni Yamyam sa 'PBB Otso' Big Four

March 28, 2019 AT 01:29 PM

Sinamahan na nina Fumiya Sankai, Lou Yanong, at Andre Brouilette si Yamyam Gucong para makumpleto ang first adult batch na big four noong Miyerkules (Marso 27) ng gabi sa "Pinoy Big Brother Otso," kasabay ng pagbukas ni Kuya sa botohan para sa batch winner.

 

 

Mula sa limang housemates, iniligtas ng taumbayan sina Fumiya, Lou, at Andre. Samantala, tuluyan namang namaalam sina Shawntel Cruz at Thea Rizaldo na nakakuha ng 5.56% at 5.16% ng mga boto.

 

 

Ang nasabing adult 'big four' ay ang pangalawang batch matapos ang naunang teen batch 'big four' na sina Jelay Pilones, Kaori Oinuma, Karina Bautista, at Lie Reposposa.

 

 

Bago pa man nakumpleto ang 'big four,' dumaan naman ang anim na housemate sa isang harapang tapatan, kung saan hinamon silang sagutin ang mga tanong mula sa sila ng house challengers sa mga pinagdaanan nila sa loob ng buhay. Kung hindi na nila kayang sagutin ang mga tanong, kailagan nilan gpindutin ang red button, ngunit ito ay may kapalit: susunugin sa kanilang harapan ng isang bagay na mahalaga sa kanila. 

 

 

Tuloy-tuloy naman ang pasabog ni Kuya dahil pinasilip sa mga Kapamilya ang bagong batch ng teen housemates. Walo na lalaki at Walo na babae ang maglalabanlaban sa 'The Big Island Adventure' na ipapalabas sa darating na Marso 31. 

 

 

Panoorin ang “PBB Otso,” gabi-gabi sa Primetime Bida ng ABS-CBN, pagkatapos ng “Halik,” tuwing Sabado pagkatapos ng “Home Sweetie Home,” at tuwing Linggo pagkatapos ng “Wansapanataym.”Mapapanood din ang “PBB Otso Gold” sa Kapamilya Gold pagkatapos ng “Los Bastardos.”

 

 

Maaari namang subaybayan ang “Camp Star Hunt” at ang livestream ng “PBB Otso” sa iWant.

 

 

Sundan ang @PBBabscbntv sa Facebook, @PBBabscbn sa Twitter, @pbb_abscbn sa Instagram, at Pinoy Big Brother sa YouTube. Maaari ring sundan ang @starhuntabscbn sa Facebook, Twitter, and Instagram.

 

 

Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram, o kaya’y bisitahin angwww.abscbnpr.com.