News Releases

English | Tagalog

Mga batang "Blondina" magpapasikat sa "Matanglawin"

March 04, 2019 AT 09:09 AM

Sa #MatanglawinSuperMarso, unang makakasama ni Kuya Kim Atienza ang cute at nagliliksihang chikiting ng “Familia Blondina” ngayong Linggo (Marso 3), 9:45 am sa ABS-CBN.

Magsasama sina Chantal Videla at Awra Briguela sa Isang Tanong, Isang Sagot segment ng “Matanglawin,” habang magtutulungan naman ang teen stars na sina Marco Gallo at Kira Balinger kasama sina Xia Vigor at Shane Weinberg sa pag-angat ng isang salaming pinatungan ng apat na basong tubig nang hindi ito hinahawakan.

Bukod sa child stars ng “Familia Blondina,” makikilala rin ni Kuya Kim ang mga batang miyembro ng Philippine National Chess Team na tinitingala na bilang mga ASEAN chess masters, si Jirah Cutiyog at Relghie Columna. Susubukan ni Kuya Kim ang husay ng dalawa, na makikipaglaro sa kanya ng chess na may piring sa mata.

Ipamamalas naman ni Rechelle Teves ang kanyang talento sa “paper quilling” sa pinaka-pinarangalang educational program sa Pilipinas, na kamakailan lang ay kinilala bilang “Most Oustanding Informative Show” sa 2nd Gawad Lasallianeta Media Awards noong Pebrero.

Abangan ang lahat ng ito sa “Matanglawin” ngayong Linggo (Marso 3), 9:45 am sa ABS-CBN at ABS-CBN HD. Manood online saiwant.ph at sa skyondemand.com.ph. I-follow ang @MatanglawinTV sa Facebook at Twitter. Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o pumuntasawww.abscbnpr.com.