News Releases

English | Tagalog

Miss Universe 2018 Catriona Gray tinaguriang “Ambassador for Knowledge”

March 04, 2019 AT 08:21 PM

Miss Universe 2018 Catriona Gray is “Ambassador for Knowledge”

Miss Universe 2018 Catriona Gray’s advocacy in education has earned her a new title. She is now the “Ambassador for Knowledge” for Knowledge Channel Foundation, Inc. (KCFI).

Knowledge Channel pinarangalan ang adbokasiya sa edukasyon ng kasalukuyang Miss U
 

May bagong titulong iginawad ang Knowledge Channel Foundation, Inc. (KCFI) kay Miss Universe 2018 Catriona Gray para sa kanyang walang tigil na pagsuporta sa edukasyon ng kabataang Pilipino. Isa na siyang “Ambassador for Knowledge.”  

Ipinagkaloob ni KCFI president at head ng education arm ng ABS-CBN Integrated Public Service na si Rina Lopez Bautista  ang titulo kay Catriona para sa “katangi-tanging dedikasyon” nito “sa adbokasiyang pang-edukasyon para sa lahat ng kabataang Pilipino.” Pinirmahan ito ni Bautista at KCFI vice chairman at ABS-CBN chairman emeritus na si Eugenio "Gabby" Lopez III.

Inanunsyo ang pagkilala sa kanyang bagong titulo sa pang-umagang programa ng ABS-CBN na “Magandang Buhay.”

Mula pa noong 2016, nag-boboluntaryo na bilang teacher-assistant ang 25 na taong gulang na Filipino-Australian beauty queen para sa mga estudyante ng non-profit na organisasyong Young Focus PH, na tumutulong sa mga kabataan sa  Smokey Mountain sa  Tondo sa Manila.

“Dahil sa pagkamulat ko sa sitwasyon ng edukasyon at buhay ng mga kabataan sa Smokey Mountain sa pamamagitan ng pagtulong ko sa Young Focus kaya ko naisipang sumali sa pag-papageant para mabigyan sila ng boses,” naibahagi ni Gray sa kanyang interview sa “Magandang Buhay.”

Sa paggawad kay Catriona ng “Ambassador of Knowledge” na titulo, umaasa ang KCFI na lumawak pa ang kaalaman ng lipunan tungkol sa kakulalangan ng edukasyon ng mga mahihirap na kabataan at, kasabay nito, ang lumakas rin ang pagkalap ng suporta mula sa gobyerno at mamayan para makabuluhang edukasyon.
 
 

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE