News Releases

English | Tagalog

UAAP PLAYER NA SI RICCI RIVERO, ISANG MYX CELEBRITY VJ NGAYONG MARSO

March 07, 2019 AT 03:09 PM

UAAP player Ricci Rivero steps up as MYX Celebrity VJ for March

MYX VJ Search returns…

Mula sa UAAP Season ‘81, magpapakitang gilas naman ang UP Fighting Maroon na si Ricci Rivero bilang MYX Celebrity VJ ngayong Marso.

Tiyak na magpapakilig at magpapainit pa ang basketball heartthrob na dala ang kanyang ‘swag style’ at ‘sweet moves’ sa paghatid ng mga pinakabagong awitin ngayon.

Sasamahan rin ang nangungunang music channel ng alternative rock band na Teeth bilang “MYX Headliner.” Kasama sina Glenn Jacinto (vocals), Jerome Velasco (guitar), Pedz Narvaja (bass), Mike Dizon (drums), at Dok Sergio (guitar), siguradong magpapasiklab ang banda kasama ang kanilang hits na "Laklak", "Prinsesa" at "Shooting Star.”

May handog ring musika ang rock band na St. Wolf sa pagsabak nito sa “MYX Spotlight” kasama ang mga kantang “Taguan,” “Jealousy,” and “Papara.”

Samantala, muling nagbabalik ang MYX VJ Search ngayong taon. Maaari nang mag-audition sa Marso 16, 17, 23, at 24 (12nn to 6pm). Magdala lamang ng head shot, full body photo, at 2 valid IDs na nagsasaad na nasa edad 18 hanggang 27 ang kandidato. Tumatanggap rin ang MYX ng one-minute audition videos sa pamamagitan ng unlisted feature ng YouTube hanggang Marso 21.



Makisaya ngayong buwan kasama ang MYX Celebrity VJ na si Ricci sa “Pop MYX” hanggang Marso 9, “Pinoy MYX” sa Marso 10 hanggang 15, “Mellow MYX” sa Marso 17 hanggang 23, at “My MYX” sa Marso 25 hanggang 29. Mapapanood ang MYX sa ABS-CBN TVplus channel 12, sa SKYcable channel 23, at SKYdirect channel 37. Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.
 

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 3 PHOTOS FROM THIS ARTICLE