News Releases

English | Tagalog

Korean best actor Hwang Jung Min hahanapin ang hustisya sa "A Violent Prosecutor"

April 10, 2019 AT 10:56 AM

Ipaglalaban ng Blue Dragon Film Awards 2018 Best Actor Hwang Jung Min ang kanyang sarili sa maling akusasyon laban sa kanya sa loob ng kulungan sa pelikulang "A Violent Prosecutor" sa KBO.   

 

Kilalang matinik at kakaibang abugado na mahilig mang-abuso ng kanyang mga suspect para sa ikakapanalo ng kanyang kaso si Byun Jae Wook (Hwang Jung Min). Hindi niya inakala na ang kanyang ibang pamamaraan ang magdadala sa kanya sa kapahamakan nang mapagbitangan siyang pumatay ng isang hoodlum matapos niya itong kwestyunin. 

 

Kaysa tulungan siya, bigla siyang iniwan sa ere ng kanyang boss na si Yoo Jong-gil (Lee Sung-min). Sa kanyang paghahanap ng paraan makalabas, makikilala niya si Chi-won (Kang Dong-won), isang swindler na kilala ang taong namatay.

 

Tinulungan ni Byun makalabas si Chi-won at nagplano kung paano makabawi sa dating boss na siyang nagframe-up sa kanya. Huwag palalampasin ang blockbuster film ngayong  Abril 27 hanggang 28. 

 

Panoorin rin ang 2015 romance film na "Enemies in Law" tungkol sa isang anak ng kilalang magnanakaw na iibig sa isang pulis. 

 

Babandera rin ngayong Abril ng back-to-back ang ilang Kapamilya loveteams movies. Panoorin ang mga pelikula ni JaDine na "Diary ng Pangit" at "Para sa Hopeless Romantic" ngayong April 13 hanggang 14. Huwag din palampasin ang JoshLia films na "Unexpectedly Yours" at "Vince, Kath James" pati na ang digitally remastered John Lloyd-Sarah movies na "A Very Special Love" at "You Changed My Life" sa April 18 hanggang 21. 

 

Para panorin ang KBO movies, mag-register gamit ang prepaid o postpaid SIM. Sa prepaid, mag-load lang (Globe, TM, Smart, Sun, TNT) ng P30; pindutin ang green / INFO button sa inyong TVplus box remote para makuha ang inyong box ID; i-text ang KBO30 (date)<TVplus box ID> sa 2366.

 

Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahinangwww.abscbnpr.com.