News Releases

English | Tagalog

DIANA, IZA, KARYLLE, AT SUNSHINE, NAGSAMA-SAMA BILANG MYX CELEBRITY VJs

April 11, 2019 AT 11:57 AM

Diana, Iza, Karylle, and Sunshine take over MYX as Celebrity VJs

Vote for your favorite MYX Music Awards 2019 nominees!

Panoorin ang masayang kwentuhan kasama sina Diana Zubiri, Iza Calzado, Karylle, at Sunshine Dizon sa kanilang pagsasama-sama bilang MYX Celebrity VJs ngayong Abril.

Apat na empowered women ang nagdadala ng pinakabagong musika ngayong tag-init. Kilalanin pa ang magkakaibigan na sina Diana, Iza, Karylle, at Sunshine sa kanilang hosting challenge ngayong buwan.

Mangunguna naman sa kantahan ang singer-songwriter na si TJ Monterde bilang “MYX Headliner,” kasama ang MYXclusive performances ng kanyang makabagbag-damdaming mga kanta na “Tahanan,” “Imahinasyon,” at “Memories.”

Sasabak naman sa music channel ang makata pop band na Munimuni bilang “MYX Spotlight” artist ngayong Abril. Maki-chill kasama ang mga miyembrong sina Adj Jiao, John Owen Castro, Jolo Ferrer, Red Calayan, TJ de Ocampo, at maki-jam sa kanilang unique indie folk sound tulad ng mga awiting “Kalachuchi” at “Tahanan.”

Samantala, malapit nang magsara ang botohan para sa inaabangang MYX Music Awards 2019. Pakinggan ang #MYXMusicAwards2019 nominees playlist sa Spotify at bumoto para sa inyong paboritong nominees hanggang Mayo 12 sa pag-log on sa www.myxph.com.

Panoorin ang MYX sa ABS-CBN TVplus channel 12, SKYcable channel 23, at SKYdirect channel 37. Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin ang www.abscbnpr.com.
 

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 3 PHOTOS FROM THIS ARTICLE