News Releases

English | Tagalog

MOR DJs Jhai Ho at Joco Loco, magpapasaya sa awiting "Agey Agey Hey"

April 12, 2019 AT 10:25 AM

MOR DJs Jhai Ho and Joco Loco enchant listeners with "Agey Agey Hey"

The MOR "Playlist Pa MORe" DJs sing novelty in a new single under Lodi Records.

Isang novelty song para sa mga ‘umasa’
 
Nagsanib-pwersa muli ang MOR 101.9 DJs na sina Jhai Ho at Joco Loco para naman sa isang recording project sa masayang novelty single na pinamatang “Agey Agey Hey.”
 
Ang upbeat song ng “Playlist Pa MORe” radio hosts ay mula sa ‘aguy,’ ang salitang Bisaya para sa ‘aray’ at ginawang ‘agey’ naman sa gay lingo. Handog ito ng Lodi Records ng ABS-CBN Music at iprinodyus ni Rox Santos.
 
“Madalas expression ko ang Agey, sa naisip namin ng friends ko one day na sumulat ng novelty song na para sa mga taong pinaasa, umasa at hoping sa pag-ibig, ganern,” kwento ng “Showbiz Pa More” host.
 
Dahil novelty naman ito pag na hurt ka i ‘Agey Agey Hey’ mo na lang para kahit masakit ang lyrics ng slight taas noo ka at in-eenjoy mo na lang at tinatawanan para mabilis ang recovery,” dagdag pa niya.
 
Ibinahagi rin ni DJ Jhai Ho na magkasama nilang binuo ni Joco Loco ang lyrics ng awitin. Anya, “Ako sa story na madami makakarelate, lalo ang mga beks, tapos siya yung rap part na parang ‘nanenermon’ para iwas sa pagiging tanga sa pag ibig.”
 
Ikalawang awitin na ni Jhai Ho ang “Agey Agey Hey.” Unang sumabak ang “Hotspot” online host sa recording sa ilalim ng Star Music para sa awiting “Shiwakare” noong 2017.
 
Ito naman ang unang kanta ni Joco Loco na kilala bilang “Mr. Dimples sa Radyo.”
 
Pakinggan ang “Agey Agey Hey” sa Spotify at maaaring i-request ang kanta gamit ang #AgeyAgeyHey at #DysIsIt sa Twitter at Facebook upang mapakinggan ito sa MOR. Abangan rin ang paglulunsad ng music video nito sa MYX at ABS-CBN Star Music YouTube channel.
 
Huwag palampasin ang radio program nina DJ Jhai Ho at DJ Joco Loco sa MOR’s “Playlist Pa MORe,” Lunes hanggang Biyernes, 6pm hanggang 9pm. Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abscbn.com/newsroom.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE