News Releases

English | Tagalog

NBA Playoffs, mapapanood araw-araw sa ABS-CBN S+A

April 15, 2019 AT 05:07 PM

Playoff day everyday on ABS-CBN S+A

Filipino hoop fans can witness the journey to greatness of NBA's rising stars led by Milwaukee’s Giannis Antetokounmpo, Denver’s Nikola Jokic, and Orlando’s Aaron Gordon as they set out to show they can play with the big guns in the NBA Playoffs, which kicked off on ABS-CBN S+A last Sunday (April 14).

Mga batang superstar, gustong magpakitang-gilas…

Siksik sa aksyon mula sa NBA Playoffs ang ABS-CBN S+A ngayong Abril, sa pagsisimula ng bakbakan ng 16 na koponang may pag-asa pang mapanalunan ang tropeong ipinangalan kay Larry O’Brien.
 
Gigil na magpakitang-gilas ang mga bagitong superstar ng liga tulad nina Giannis Antetokounmpo ng Milwaukee, Nikola Jokic ng Denver, at Aaron Gordon ng Orlando at matutunghayan ng Pinoy basketball fans ang kanilang pag-angat dahil araw-araw nakapapanood ng playoff game sa S+A simula noong Abril 14, at magtutuloy ito maliban sa araw ng Huwebes Santo, Biyernes Santo, at Sabado de Gloria.
 
Sinimulan ito ng Denver-San Antonio, kung saan nagtala ng triple-double si Jokic sa kanyang unang laro sa playoff maski nabigong makuha ang Game 1. Sinundan naman ito ng pagsabog ng Houston sa pangunguna ng MVP frontrunner na si James Harden laban sa batang pambato ng Utah na sina Rudy Gobert at Donovan Mitchell.
 
Bukas (Abril 16), mapapanood ang Game 2 sa pagitan ng kampeon na Golden State Warriors kontra Los Angeles Clippers ng LIVE sa ganap na 10:30 am, sa kampanya nilang makasungkit ng three-peat. Nagtala na naman ng panibagong record si Steph Curry at pinatatag lalo ang bansag sa kanya bilang pinakamahusay na shooter ng NBA nang lagpasan niya si Ray Allen sa pinakamaraming naipasok na tres sa Playoffs nang tambakan nila ang Clippers sa iskor na 121-104.
 
Samantala, bago magsimula ang Semana Santa, mapapanood naman ng fans ang bakbakan sa Eastern Conference sa pagitan ng Toronto Raptors at Orlando Magic sa Miyerkules (Abril 17), LIVE sa S+A ng 8 am. Nanalo ang Magic, na pinangunahan ni Gordon at big man Nikola Vucevic noong regular season, laban sa Raptors sa unang laro ng kanilang serye kung saan nagtala si DJ Augustin ng 25 na puntos kasama ang game-winner na tres.
 
Para naman magsilbing pagdiriwang sa Pasko ng Pagkabuhay sa Linggo (Abril 21), ihahatid ng S+A ang aksyon mula Houston, Texas ng LIVE sa ganap na 10:30 am para sa Game 3 ng Houston Rockets ni James Harden at Utah Jazz ni Donovan Mitchell. Susundan ito ng laban ng Portland at Oklahoma City sa Lunes (Abril 22) ng LIVE sa S+A ng 9:30 am para sa muling paghaharap nina Russell Westbrook at Damian Lillard.
 
Hindi naman pahuhuli ang nanguna sa standings na Milwaukee Bucks sa kanilang pangarap umabot sa Finals. Tinalo nila ang Detroit Pistons sa Game 1, 121-86, salamat sa double-double ni Antetokounmpo. Mapapanood ang Game 4 sa Martes (Abril 23) LIVE sa S+A ng 8 am. Maaaring tumutok lamang sa S+A para sa natitirang schedule ng mga laro para sa buwan ng Abril.
 
Huwag palampasin ang aksyon sa NBA Playoffs sa S+A tampok ang mga bigating pangalan sa NBA. Para sa balita at karagdagang impormasyon, bumisita sa sports.abs-cbn.com at sundan ang @ABSCBNSports sa Facebook at Twitter. Para sa updates, sundan ang @ABSCBNPR sa Facebook, Instagram, at Twitter o bisitahin angwww.abscbnpr.com.
 

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE