News Releases

English | Tagalog

Lahat ng Star Dreamers nag-crossover; "PBB Otso" kumpleto na

April 16, 2019 AT 04:51 PM

Isang surprise twist sa “Pinoy Big Brother Otso” ang natunghayan ng mga manonood noong Linggo, dahil sa unang pagkakataon ngayong Season 8, lahat ng Star Dreamers ay nagkasamasama sa Bahay ni Kuya, bilang opisyal na housemates.
 
Isang “Gr8 Crossover” ang naganap matapos makatawid sina Batit, Ashley, Lance, at Narcy para samahan sina Jem, Gwen, Emjay, at Shami sa bahay ni Kuya, at makasamang muli sina Shoichi, Mich, Alfred Tan, Angela, Yen, Kyzha, at Sheena, ang naunang walong teen housemates.
 
Tagumpay na nakatawid sina Batit, Ashley, Lance, at Narcy sa Bahay matapos harapin ng mga housemate ang isang hamon ni Kuya: gamit ang ilang stick, kanilang ililipat mula sa isang lagayan ang giant coins sa isa pang lagayan. Naging mahirap ang task, ngunit matapos ang ilang oras ng pagsubok, hindi natinag ang housemates.
 
Samantala, naging matagumpay ang naunang walong teen housemates sa first weekly tasks matapos nilang pabilibin ang top three finalists ng “World of Dance Philippines” sa pag-indak nila ng tatlong dance routines na nagpakita ng kanilang talento sa pagsasayaw.
 
Ano nga kayang pagbabago ang magaganap ngayong magkakasama na ang teen housemates at Star Dreamers sa loob ng bahay ni Kuya?
 
Panoorin ang “PBB Otso,” gabi-gabi sa ABS-CBN. Mapapanood din ang “PBB Otso Gold” sa Kapamilya Gold pagkatapos ng “Los Bastardos.” Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram, o kaya’y bisitahin ang www.abscbnpr.com.