News Releases

English | Tagalog

“Idol PH” stars, bibigyang buhay ang 2019 ABS-CBN summer theme “Summer is Love”

April 16, 2019 AT 12:00 PM

“Idol PH” stars bring life to 2019 ABS-CBN summer theme “Summer is Love”

OPM superstars Vice Ganda, James Reid, Moira Dela Torre, Billy Crawford, and Regine Velasquez-Alcasid are about to make your summer even brighter and livelier as they lend their voices to ABS-CBN’s 2019 Summer Station ID “Summer is Love.”

Umawit kasama sina Vice, Regine, James, Moira, at Billy!

Lalo pang magiging maliwanag at puno ng buhay at pagmamahal ang tag-init sa Pilipinas sa pagsasama ng OPM superstars na sina Vice Ganda, James Reid, Moira Dela Torre, Billy Crawford, at Regine Velasquez-Alcasid sa pag-awit ng 2019 ABS-CBN Summer Station ID “Summer is Love.”

Mapapanood na ngayong Linggo (Abril 21) ang summer recording music video tampok ang limang Kapamilya artists sa pilot episode ng pinakabago at pinakahihintay na talent reality show sa ABS-CBN na “Search for the Idol Philippines” (Idol Philippines).

Tulad ng patok na ABS-CBN Christmas campaigns na “Just Love” at “Family is Love,” mensahe rin ng “Summer is Love” ang pagmamahalan at pagkakaisa ng mga Pilipino na nagpapasaya at nagpapasarap sa buhay sa panahon man ng tagumpay o ng pagsubok.

Sina Yumi Lacsamana at Thyro Alfaro ang lumikha ng musika ng “Summer is Love” at ilang rap lyrics nito. Samantala, sina Robert Labayen at Lloyd Oliver Corpuz naman ang nagsulat ng mga salita sa kanta.

Makikita sa paparating na ABS-CBN 2019 Summer Station ID ang iba-ibang Kapamilya stars at personalities mula sa mga paboritong programa sa Kapamilya network na iindak at magtuturo ng sayaw para sa bagong summer theme ng bansa.

Abangan ang unang pagpapalabas ng “Summer is Love” summer recording music video ngayong Pasko ng Pagkabuhay sa Linggo (Abril 21) na mapapanood rin sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel. I-like at i-share ang video at mag-post gamit ang hashtag na #SummerIsLove. 

Ang “Summer is Love” ay produksyon ng ABS-CBN Creative Communications Management, na nanalo kamakailan lang ng Gold World Medal sa 2019 New York Festivals.

Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram, o bumisita sa www.abscbnpr.com.