News Releases

English | Tagalog

S+A Volleyball Grand Fans Day, papalo na sa Huwebes

April 23, 2019 AT 11:01 AM

Alyssa Valdez, Myla Pablo, at Jovelyn Gonzaga, makiki-bonding sa fans…

Magaganap ang pinakamalaking pagtitipon ng fans ng volleyball sa S+A Volleyball Grand Fans Day ng ABS-CBN Sports ngayong Huwebes (Abril 25) sa Trinoma Activity Center tampok ang pinakamalalaking bituin ng Philippine volleyball.
 
Hindi mauubusan ng kasiyahan ang volleyball fans dahil makikita at makaka-bonding nila ang mga idolo tulad nina Alyssa Valdez at Jema Galanza ng Creamline, Stephanie Mercado ng PetroGazz, Myla Pablo ng Motolite, Satrianni Espiritu ng BaliPure, Dzi Gervacio ng BanKo Perlas, at Jovelyn Gonzaga ng PacificTown-Army, na magsisipaglaro sa ikatlong season ng Premier Volleyball League (PVL).
 
May pagkakataong kumuha ng autograph at selfie ang mga nag-rehistro sa ktx.com.ph. 
 
Bukod diyan, aasahan rin ang isang mini-concert tampok sina Hashtag Rayt at Janella Salvador ng Star Music, at Kyler mula naman sa Tarsier Records. Rarampa rin ang tulad nina nina Valdez, Pablo, at crowd favorite Mae Tajima sa isang fashion show kasama ang CHALK Magazine, samantalang may espesyal na handog rin ang nangungunang music channel na MYX, sa pangunguna nina VJ Ai at Samm.
 
Sina Roxanne Montealegre, Billie Capistrano, Jeanine Tsoi, Vince Velasco, at Turs Daza ang magsisilbing host ng Grand Fans Day na magsisimula ng 12 nn.
 
Huwag palampasin ang pagkakataong ito na maka-daupang-palad ang inyong mga idolo sa Huwebes (Abril 25) sa Trinoma Activity Center para sa S+A Volleyball Grand Fans Day ng 12 nn. Maaari pa ring magrehistro ang fans sa ktx.com.ph para sa pagkakataong makasama sa meet and greet.
 
Para sa karagdagang impormasyon at mga kwento tungkol sa S+A Volleyball Grand Fans Day, sundan lamang ang @ABSCBNSports sa Twitter at Facebook o bumisita sa sports.abs-cbn.com. Para sa updates, sundan lamang ang @ABSCBNPR sa Twitter, Facebook, at Instagram o bisitahin ang www.abscbnpr.com.