News Releases

English | Tagalog

Kapamilya stars, sama-sama ngayong tag-init sa 2019 ABS-CBN “Summer is Love” Station ID

April 26, 2019 AT 08:57 PM

Kapamilya stars converge this summer in the 2019 ABS-CBN “Summer is Love" Station ID

The biggest stars from our favorite Kapamilya shows are joining forces to spread good vibes and brighten up the season as they dance to the country’s new summer anthem in the 2019 ABS-CBN “Summer Is Love” Station ID.

Makisayaw at makikanta kasama ang Kapamilya stars

Sama-samang iindak ang mga bituin mula sa ating mga paboritong Kapamilya shows para lalo pang pasayahin ang tag-init sa 2019 ABS-CBN “Summer is Love” Station ID.
 
Unang nasilip ang bagong summer video tampok ang mga tulad nina Coco Martin ng “FPJ’s Ang Probinsyano,” Angel Locsin ng “The General’s Daughter,” at ang cast ng “Kadenang Ginto” noong Sabado (Abril 27) sa “It’s Showtime” sa ABS-CBN.
 
Kinanta rin ng live ng “Idol Philippines” host na si Billy Crawford at mga huradong sina Vice Ganda, Moira Dela Torre, at Regine Velasquez-Alcasid ang “Summer is Love”  kasama ang pamilya ng “It’s Showtime,” sa pangunguna nina Anne Curtis, Vhong Navarro, Jugs Jugueta, Jhong Hilario, Amy Perez, at Ryan Bang, pati ang TNT Hurados, GirlTrends, at Hashtags.
 
Kasama rin sa video, na dadalhin tayo sa iba’t ibang set at lokasyon ng mga Kapamilya program ang pamilya ng “ASAP Natin ‘To” na binubuo nina Martin Nievera, Ogie Alcasid, Zsa Zsa Padilla, Erik Santos, Sarah Geronimo, Edward Barber, Donny Pangilinan, Robi Domingo, TNT Boys, Janine Berdin, Yeng Constantino, KZ Tandingan, Morisette, at Boyband PH; ang “World of Dance” host na si Pia Wurtzbach kasama ang mga huradong sina Gary Valenciano, Maja Salvador, at Billy Crawford, at ang “Minute to Win It” host na si Luis Manzano kasama naman si Negi.
 
Kabilang din sa music video ang cast ng “Los Bastardos” sa pangunguna nina Jake Cuenca, Albie Casino, Joseph Marco, Joshua Colet, Marco Gumabao, Jane Oineza, Gloria Diaz, Ronaldo Valdez; sina Paulo Avellino, Arjo Atayde, JC De Vera, Ryza Cenon, Cholo Baretto, Loisa Andalio, Ronnie Alonte, Tirso Cruz III, Janice De Belen, Albert Martinez, at Maricel Soriano ng “The General’s Daughter;” sina Sophia Reola at RK Bagatsing ng “Nang Ngumiti Ang Langit;” at sina Dimples Romana, Beauty Gonzalez, Adrian Alandy, Francine Diaz, Andrea Brillantes, Kyle Echarri, at Seth Fedelin ng “Kadenang Ginto.”
 
Makikisayaw din ang mga bida ng bagong teleserye na “Sino Ang Maysala Mea Culpa” na sina Bela Padilla, Tony Labrusca, Kit Thompson, Ketchup Eusebio,  Sandino Martin, Ivana Alawi, at Jodi Sta. Maria, maging sina Atty. Jose Sison ng “Ipaglaban Mo,” at sina Yassi Pressman, Empoy Marquez, Bassilyo, at Smugglaz ng “FPJ’s Ang Probinsyano,” na kasama ni Coco sa Japan.
 
Sasali din sa sayahan ang mga host ng “Magandang Buhay” na sina Karla Estrada, Jolina Magdangal-Escueta, at Melai Cantiveros-Francisco,  ang “Tonight with Boy Abunda” host na si Boy Abunda, ang child stars ng “Goin’ Bulilit,” at sina Angelica Panganiban, John Prats, Jason Gainza, Jobert Austria, at Pooh ng “Banana Sundae.”
 
Hindi rin magpapahuli ang “PBB Otso” Teen Batch 1 Big Four na sina Lie Reposposa, Kaori Oinuma, Karina Bautista, at Jelay Pilones, at ang “PBB Otso” Adult Big Four na sina Yamyam Gucing, Fumiya Sankai, Andre Brouilette, at Lou Yanong. Marami pang Kapamilya stars ang makakasama sa "Summer Is Love" summer station ID, na mapapanood na rin malapit na sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel.
 
Tulad ng mga kampanya ng ABS-CBN na “Just Love” at “Family is Love,” hatid rin ng “Summer is Love” ang mensahe ng pagmamahal at kahalagahan ng pagkakaisa ng pamilya at magkakaibigan, sa hirap man on ginhawa.
 
Gawa ang “Summer is Love” station ID, na tampok ang mga boses nina Vice, Billy, Regine, Moira, at James Reid, ng ABS-CBN Creative Communications Management division. Isinulat nina Robert Labayen at Lloyd Oliver Corpuz ang lyrics habang ang musika at karagdagang rap lyrics ay likha nina Yumi Lacsamana at Thyro Alfaro. Gawa naman ang sayaw na “Summer is Love” nina Edsel Misenas at ang Autonomicass Crew.
 
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bumisita sa abscbnpr.com.