News Releases

English | Tagalog

“The Hows of Us" ng KathNiel, ekslusibong mapapanood sa iWant simula Abril 12

April 05, 2019 AT 06:51 PM

KathNiel's "The Hows of Us" exclusively streaming on iWant pay-per-view starting April 12

Relive the relatable “feels” in “The Hows of Us”as it finally lands exclusively on iWant starting April 12!

Balik-balikan ang mga paboritong eksena at relatable na mga linya sa highest-grossing Filipino film of all time na “The Hows of Us” dahil maaari na itong mapanood kahit saan at anumang oras sa iWant simula Abril 12.

Sa pamamagitan ng pay-per-view, mapapanood ang record-breaking movie nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na idinirek ni Cathy Garcia-Molina sa iWant, ang natatanging streaming service sa bansa na magpapalabas nito.

Ulit-ulitin ang kilig, sakit, at saya ng pag-ibig sa “The Hows of Us” at mag-download na ng iWant sa iOS o Android apps o sa web browser sa iwant.ph.