News Releases

English | Tagalog

"World of Dance Philippines" finalists magsasalpukan na para sa pangarap ngayong weekend

April 05, 2019 AT 10:20 AM

Itotodo na ng mga kinilalang pinakamahuhusay sa sayawan ang matinding tapatan sa dance floor ngayong magaganap na ang biggest showdown ng tatlong finalists ng bawat division sa inaabangang “World Finals” ng “World of Dance Philippines” ngayong Sabado (Abril 6) at Linggo (Abril 7).
 
Maglalaban-laban para sa pangarap sina Ken Jose ng junior division, Luka at Jenalyn ng upper division, at FCPC Baliktanaw ng team division upang manalo ng P2 milyon, all-expense paid trip to Los Angeles, USA, at magkaroon ng pagkakataong irepresenta ang Pilipinas sa “World of Dance USA.”
 
Mula sa pagiging online sensation, naipakita na nga ni Ken ang husay niya sa mas malaking entablado. Gamit bilang inspirasyon ang yumaong ama, nalampasan niya ang bawat hamon ng kompetisyon at naghandog din ng madamdamin performance noong division finals, na umantig at nagpaiyak sa huradong si Billy Crawford.
 
Bagama’t may mga lahing dayuhan, ipinakita ni Luka at ng Filipino-Portuguese na si Jenalyn ang kanilang pusong Pinoy sa kanilang nakakabilib na talento sa sayawan. Pinamangha din nila ang judges sa mga nakakakilabot nilang performances, lalo na noong division finals kung saan nagbigay ng standing ovation ang mga hurado.
 
Dala-dala naman ng FCPC Baliktanaw ang kanilang pagiging makabayan sa grand finals. Dahil sa kanilang hindi matatawarang galing, sila ang kauna-unahang kalahok sa kompetisyon na nakakuha ng perfect score na 100% mula sa mga hurado. Pinoy pride din ang inihain nila sa division finals na naging susi para makapasok sila sa final stage ng kompetisyon.
 
Samantala, mas magiging kapana-panabik pa nga ang mga kaganapan ngayong magsisilbing ika-apat na hurado ang mga manonood at magkakaroon ng pagkakataong iboto ang kanilang pambato. Para makaboto, i-type lang ang WOD (space) pangalan ng act at i-send ito sa 2366. Isang boto lamang kada sim bawat araw. Maaari ring bumoto online gamit ang Kapamilya account sa vote.abs-cbn.com/WOD.
Maaari rin mapanood ang online ang tapatan sa “World of Dance Philippines” YouTube channel at Facebook page.
 
Tutukan ang inaabangan “World Finals” ng “World of Dance Philippines” ngayong Sabado (Abril 6) at Linggo (Abril 7) sa ABS-CBN. Para sa updates, i-follow ang @WorldOfDancePH sa Facebook, at @WODABSCBN sa Twitter at Instagram. Panoorin ang mga videos nito sa World of Dance Philippines YouTube channel. Sundan din ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o magpunta sa www.abscbnpr.com para sa iba pang impormasyon.