News Releases

English | Tagalog

Agsunta pumirma na ng kontrata sa DNA Music

May 13, 2019 AT 08:58 AM

Agsunta signs contract with DNA Music

Agsunta releases new single "Alas Dose," composed by the band's vocalist Jireh Singson and produced by DNA Music.

Awiting “Alas Dose” inilabas na


Handa nang magdala ng mga bagong kanta sa ere at online, pumirma ng kontrata ang Agsunta sa ilalim ng DNA Music at kasabay nito ay naglunsad din ang banda ng bagong awitin na may titulong “Alas Dose” sa “It’s Showtime.”
 
“Masaya kaming maging bahagi ng DNA family. Finally, may pagkakataon nang magkaroon kami ng sarili naming musika,” ayon sa bagong Kapamilya band.
Tinugtog ng rising OPM group ang “Alas Dose” sa “It’s Showtime” at ipinarinig din sa MOR 101.9 noong Huwebes (May 9). Ang ballad single na ito ay mula sa komposisyon ng bokalista ng banda na si Jireh Singson.  
 
Ibinahagi ng Agsunta na magiging bahagi ng kanilang nalalapit na album ang “Alas Dose” at ang comeback single na “Bagong Umaga” na inilunsad noong Marso.
 
“Tumutugtog kami para sa mga taong mahal ang musika namin,” dagdag ng Agsunta, na handa nang maghandog ng OPM sa mga fans na naghihintay ng kanilang bagong album. 
 
Isa lamang ang grupo sa mga bandang pumirma sa ilalim ng DNA Music kamakailan. Isang record label sa ilalim ng ABS-CBN Music, naglalayong suportahan ng DNA Music ang local bands industry at palaganapin pa ang handog na OPM ng mga lokal na banda.
 
Pakinggan ang bagong single ng Agsunta na “Alas Dose” sa digital platforms at panoorin ang official music video nito sa YouTube. Sundan ang DNA Music @dnamusicph sa Facebook at Instagram para sa karagdagang impormasyon.