News Releases

English | Tagalog

Ateneo, La Salle, pagtatalunan ang korona sa ABS-CBN S+A, iWant Sports

May 15, 2019 AT 12:10 PM

Ateneo, La Salle, clash for football supremacy on ABS-CBN S+A, iWant Sports

Will Gayoso ride off into the sunset with a ring?

Gayoso, gustong matikman muli ang kampeonato…

Magsasalpukan ang Ateneo de Manila University (ADMU) at De La Salle University (DLSU) sa Rizal Memorial Football Stadium ngayong Huwebes (Mayo 16) sa UAAP Season 81 Men’s Football Tournament Finals, na mapapanood ng LIVE sa ABS-CBN S+A at iWant Sports ng 4:30 pm.
 
Samantala, mapapanood rin ng LIVE ang bakbakan sa pagitan ng DLSU Lady Archers, na nag-aasam makamit ang kanilang three-peat, at Far Eastern University (FEU) Lady Tamaraws.
 
Nais tapusin ng superstar striker ng Ateneo na si Jarvey Gayoso ang kanyang karera sa UAAP na may kampeonato kontra kanilang mga karibal, kung saan coach ang kanyang tito na si Alvin Ocampo. Dinomina ni Gayoso ang UAAP mula nang kanyang pagpasok noong Season 78, at nakapagtala na siya ng tatlong Golden Boot para sa pagiging pinakamahusay na striker. Nasungkit naman niya ang Season 79 MVP noong pangunahan niya ang Blue Eagles sa korona.
 
Papunta sa Final Four, galing sa masamang simula ang Ateneo ngunit napagtagumpayan nila ang FEU sa iskor na 1-0 sa loob ng 94 na minuto. Naibuslo ni Gayoso ang kaisa-isang goal ng laro mula sa isang cross ng kanyang midfielder na si Mark Nacional sa loob ng ika-70 na minuto. Si Gayoso, kapwa senior forward na si Rupert bana, Nacional, at goalkeeper Alex Arcilla ang aasahan ng Blue Eagles para maibalik ang tropeo sa kanilang eskwelahan.
 
Para sa DLSU Green Archers, buong taon na silang naililigtas ng kanilang mga baguhan, at kasama na diyan ang pares nina Jovan Marfiga at Shanden Vergara. Sa laban nila sa dating kampeon na University of the Philippines (UP), binuksan ni Marfiga, isang rookie defender, ang laro sa ika-20 na minuto nang maka-iskor siya mula sa isang free kick. Agad naman silang binawian ni King Miyagi ng Fighting Maroons para maitabla ang laro. Ngunit, hindi hinayaan ni Vergara na mawala sa lahat ang kanilang pinaghirapan nang ibaon niya ang goal na magpapanalo sa kanila sa ika-77 na minuto ng laban.
 
Maaasahan ng football fans na ibibigay ng Ateneo at DLSU ang lahat upang makamit ang inaasam na korona sa UAAP Men’s Football habang pagtatalunan naman ng DLSU Lady Archers at FEU Lady Tamaraws ang titulo sa UAAP Women’s Football sa Huwebes (Mayo 16).
 
Huwag palampasin ang nagbabagang aksyon sa pag-ere ng UAAP Football Finals  ng LIVE sa S+A, S+A HD, LIGA, LIGA HD, kasama ang livestream sa sports.abs-cbn.com at iWant Sports ngayong Huwebes (Mayo 16). Abangan din ang UAAP Women’s Finals sa pagitan ng DLSU at FEU sa ganap na 2 pm, kasunod ang bakbakang Ateneo DLSU-FEU ng 4 pm para sa UAAP Men’s Finals.
 
Para sa mga karagdagang istorya at balita sa UAAP Football at mga bituin nito, sundan lamang ang @ABSCBNSports sa Twitter at Facebook o bumisita sa sports.abs-cbn.com. Para sa updates, sundan lamang ang @ABSCBNPR sa Twitter, Facebook, at Instagram o bisitahin ang www.abscbnpr.com.