News Releases

English | Tagalog

Aoki, dedepensahan ang titulo sa ONE Championship sa S+A at iWant Sports

May 16, 2019 AT 02:32 PM

Dating kampeon na si Geje Eustaquio, magbabalik na…

Hindi pa rin tumitigil ang aksyon sa loob ng hawla ng ONE Championship sa napapaintong paghaharap nina Shinya “Tobikan Judan” Aoki at Christian Lee ng Singapore sa “Enter The Dragon” kung saan dedepensahan ni Aoki ang kanyang korona sa Lightweight division ngayong Biyernes (Mayo 17) LIVE sa ABS-CBN S+A, S+A HD, at iWant Sports.
 
Kaabang-abang din ang pagbabalik ng dating kampeon na si Geje “Gravity” Eustaquio sa hawla para sa ONE Flyweight World Grand Prix kontra kay Kim Kyu Sung ng Korea, at ang unang laban ni dating UFC fighter Sage Northcutt sa ONE Championship kontra sa Brazilian na si Cosmo Alexandre.
 
Bukod sa kanila, matutunghayan din ng Pinoy MMA fans ang magagaling na mandirigma sa Muay Thai at kickboxing tulad nina Giorgrio Petrosyon kontra kay Petchmorakot at ang Olandes na si Nieky Holzken kontra sa kababayan niyag si Regian Eersel sa undercard ng “Enter the Dragon.”
 
Huwag palampasin ang dalawang eksplosibong handog ng ONE Championship na mapapanood sa S+A, S+A HD, at iWant Sports ng LIVE na “Enter the Dragon” ngayong Biyernes (Mayo 17) ng 8:30 pm.
 
Para sa mga karagdagang istorya at balita sa ONE Championship, sundan lamang ang @ABSCBNSports sa Twitter at Facebook o bumisita sa sports.abs-cbn.com. Para sa updates, sundan lamang ang @ABSCBNPR sa Twitter, Facebook, at Instagram o bisitahin ang www.abscbnpr.com.