News Releases

English | Tagalog

Mga makasaysayang lugar at tahanan, bibisitahin sa "#NoFilter"

May 21, 2019 AT 01:03 PM

See Filipino history through heritage houses in "#NoFilter"

On this week’s episode entitled “Pamana,” award-winning broadcast journalist, director, and producer Abner Mercado returns to his roots as a documentarist to pay tribute to our country’s rich culture and tradition by telling the stories of heritage houses in Intramuros, Quezon City, and Bulacan.

Abner Mercado ng “The Correspondents,” balik-dokyu

 
Mistula mang mga bakas na lang ng kasaysayan ang mga sinaunang bahay at lugar sa bansa, taglay din nila ang mahahalagang kwentong dapat malaman ng bawat Pilipino. Kaya ngayong  Miyerkules (Mayo 22), bibisitahin ng nagbabalik-dokumentaryo na si Abner Mercado ang ilang mga tanyag na heritage house upang magbigay-pugay sa kasaysayan at kultura ng ating bansa sa “#NoFilter” sa ABS-CBN.
 
Sa susunod na episode ng bagong dokyu series ng Kapamilya network, tutungo si Abner sa Intramuros sa Maynila, Quezon City, at Bulacan na naging saksi sa ilang mga importanteng pangyayari sa kasaysayan ng Pilipinas.  
 
Sisisayatin rin ng premyadong broadcast journalist, direktor, at producer, na dati ring anchor ng “The Correspondents” sa ABS-CBN, ang mga ginagawa ng mga pribadong indibidwal na nangakong aalagaan ang mga lugar na ito upang hindi ito maging biktima ng komersyalisasyon o pagkasira.
 
Dadayo si Abner sa Mira-Nila Heritage House sa New Manila na itinayo noong dekada 1930 at napuntahan ng mga importanteng tao tulad nina dating Pangulo Manuel Quezon at Douglas MacArthur. Dadalaw rin siya sa Malolos, Bulacan para makita ang mansyong Jose Bautista na itinayo noong dekadang 1870 at nabisita noon ni Jose Rizal, at may koleksyon ng mga likha nina Fernando Amorsolo at Felix Ressureccion-Hidalgo.
 
Habang nasalba at tumatayo pa ang mga heritage house na ito, mayroon namang matagal nang napabayaan, nasira, o natalo na ng komersyalisasyon. Aalamin ni Abner kung ano pa ang mga hakbangin para pangalagaan ang mga pamanang ito.
 
Simula ngayong Mayo, hatid ng pinakabagong dokyu series ng ABS-CBN na “#NoFilter” ang masinsinang kwento ng mga karanasan ng iba’t ibang Pilipino—mula sa mga sikat na personalidad hanggang sa mga bayaning nakikita sa mga karaniwang Pilipino. Ang bawat episode ay pinangungunahan nga mga pinagkakatiwalaang Kapamilya journalist, na siya ring sumulat at naglikha nito upang ibandila ang mga kwentong Pilipino. Bago si Abner, gumawa na rin ng dokyu para sa “#NoFilter” sina Jeff Canoy, Raphael Bosano, at Kori Quintos.
 
Panoorin ang kwentong “#NoFilter” tungkol sa mga pamana ng ating kasayasayan hatid ni Abner Mercado ngayong Miyerkules (Mayo 22) pagkatapos ng “Bandila” sa ABS-CBN. Sundan ang programa sa social media sa @ABSCBNnoFilter sa Twitter, Instagram, at Facebook. Para sa updates i-follow ang @ABSCBNpr sa Facebook, Twitter, at Instagram.