News Releases

English | Tagalog

Pokwang, gaganap bilang Igorot na lumaban para sa pangarap sa "MMK"

May 23, 2019 AT 10:30 AM

Bibigyang buhay ni Pokwang ang kwento ng isang Igorot na tinalikuran ang tradisyon at pinaglaban ang pangarap upang makamit ang magandang kinabukasan ngayong Sabado (May 25) sa “MMK.”
 
Lumaki si Diana (Pokwang) sa isang mahirap na pamilya, kaya labis na lang ang kagustuhan niyang makapag-aral. Pero sa murang edad, nais siyang ipakasal ng kanyang magulang sa isang magsasaka sa pag-aakalang mabibigyan siya nito ng magandang buhay.
 
Ito ang nagtulak kay Diana na makipagsapalaran sa Maynila at mamasukan bilang kasambahay. Dahil sa sipag at tiyaga, pinagtapos siya ng kanyang amo ng kolehiyo at kalaunan ay nakahanap ng trabaho, na naging daan para makatulong sa kanyang pamilya.
 
Sa kanyang trabaho rin nakilala si Victor (Allen Dizon), ang lalaking kanyang napang-asawa. Ngunit ang akala niyang bubuo sa kanyang pangarap ang siya rin pa lang sisira rito dahil malululong sa alak si Victor at magiging mapanakit sa kanyang mga anak.
 
Malampasan kaya ni Diana ang dagok na ito sa kanyang buhay?
 
Huwag kalimutang panoorin ang longest-running drama anthology sa Asya, ang “MMK,” tuwing Sabado sa ABS-CBN. Para sa mga update, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o magpunta sa www.abs-cbn.com/newsroom.