News Releases

English | Tagalog

Sumali sa “Sige I-cover Mo Lang!” contest ng 6cyclemind

May 28, 2019 AT 12:47 PM

Join 6Cyclemind’s “Sige I-cover Mo Lang!” contest

Fans get to jam with their favorite 6cyclemind

Inaanyayahan ng Kapamilya band na 6cyclemind ang mga tagahanga nito na i-submit ang kanilang bersyon ng anumang paboritong awitin ng banda sa “Sige, i-cover mo lang!” contest at magkaroon ng pagkakataong maka-jamming ang kanilang idolo at ilunsad ang pagsasamahang awitin.
 
Mula sa matatanggap na entries, mamimili ang 6cyclemind ng top 3 musikero na isasama sa recording studio upang sabayang tumugtog. Magkakaroon pa ng digital release ang mga awiting magmumula sa nasabing recording.  
 
Para sumali, gumawa ng kahit anumang cover ng kanta mula sa grupo at i-post ito sa Facebook na may hashtag na #SigeICoverMoLang. Siguraduhing naka-set to public ang Facebook account. Maaari din namang i-email ang cover songs sa 6cyclemindcovers@gmail.com. Hanggang Biyernes (Mayo 31) lamang pwedeng magsumite ng entries.
 
Ang 6cyclemind ay binubuo ng limang miyembro kasama sina Tutti Caringal II, Rye Sarmiento. Bob Cañamo, Herbert Hernandez, at Vic Aquino.
 
Sundan ang @dnamusicph sa Facebook at Instagram para sa karagdagang detalye tungkol sa mga sususnod na kabanata sa musika ng 6cyclemind. Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram at bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.