News Releases

English | Tagalog

Toronto at Golden State, matira ang matibay sa NBA Finals sa ABS-CBN, S+A

May 28, 2019 AT 03:20 PM

Toronto, Golden State, collide in 2019 NBA Finals on ABS-CBN, S+A

Can the Raptors complete a historic Playoff run or will the Warriors extend their reign for one more year?

ABS-CBN at S+A, LIVE na ihahandog ang buong serye…

Magbubukas na sa wakas ang pinakahihintay na salpukan ng Toronto Raptors kontra sa kampeon na Golden State Warriors sa Biyernes (Mayo 31), LIVE mula sa Scotiabank Arena sa Toronto, Canada sa ABS-CBN at S+A ng 9 am.
 
Ilang araw matapos pagbakasyunin ang Milwaukee Bucks at ang pambato nito para sa MVP na si Giannis Antetokounmpo, haharapin ng mabangis na Raptors ni Kawhi Leonard ang pinakamatinding hamon sa kanilang season: ang pataubin ang Warriors na hinahabol ang kanilang ikatlong sunod na korona.
 
Matinding sagupaan ang natikman ng Raptors sa Eastern Conference kung saan hinarap nila ang Philadelphia 76ers sa semis at Bucks sa Conference Finals, na tinapos nila sa loob ng tig-anim na laro. Marami rin ang nagduda na makakaabot sa Finals ang Raptors dahil sa baguhan rin ang kanilang coach na si Nick Nurse.
 
Pero hindi nagpatinag ang fans ng Raptors na naniniwalang kayang-kaya tapatan ng kanilang koponan ang Warriors na namumutiktik sa All-Stars dahil sa mga beteranong kasama ni Leonard tulad nina Marc Gasol, Serge Ibaka, Kyle Lowry, at pati na rin ang gumaling na si Pascal Siakam.
 
Sa kabilang dako naman, ito ang unang beses na walang home court advantage ang Warriors sa Finals at hindi pareho ring nagpapagaling pa ang kanilang dalawang Finals MVP na sina Andre Iguodala at Kevin Durant. Subalit, hindi pa rin makakaila ang lakas ng kanilang pwersa sa likod nina Stephen Curry, Klay Thompson, at Draymond Green, pati na ang kanilang coach na si Steve Kerr.
 
Patuloy na inihahandog ng ABS-CBN Sports ang aksyon sa NBA sa Pinoy fans sa free TV, at mapapanood nila ang buong serye ng NBA Finals ng LIVE sa ABS-CBN at S+A ng sabay. Ipapalabas ang Game 2 ng LIVE sa Hunyo 3 ng 8 am mula Scotiabank Arena. Magmumula naman sa Oracle Arena ang aksyon ng Game 3 sa Hunyo 6 at Game 4 sa Hunyo 8, sa parehong 9 am sa S+A at ABS-CBN ch.2.
 
Magkakaroon kaya ng panibagong kampeon sa pagtatapos ng 2019 NBA Finals o patuloy na mamamayagpag ang dinastiya ng Warriors?
 
Huwag palampasin ang mainit na bakbakan sa pagitan ng Golden State Warriors at Toronto Raptors sa paninimula ng 2019 NBA Finals ngayong Biyernes (Mayo 31) LIVE sa S+A at ABS-CBN ch.2 simula 9 am. 
 
Para sa balita at karagdagang impormasyon, bumisita sa sports.abs-cbn.com at sundan ang @ABSCBNSports sa Facebook at Twitter. Para sa updates, sundan ang @ABSCBNPR sa Facebook, Instagram, at Twitter o bisitahin ang www.abscbnpr.com.