News Releases

English | Tagalog

Maaaksyong eksena ni Angel sa "The General's Daughter," wagi sa ratings at trending sa social media

May 29, 2019 AT 03:00 PM

Angel's action-packed scenes in "The General's Daughter" scores high ratings, praises from netizens

Angel Locsin has viewers talking about her spectacular scenes in the primetime teleserye “The General’s Daughter,” which remains unbeatable in its timeslot.

Gabi-gabing pinapatunayan ni Angel Locsin ang pagiging Action Drama Queen ng bansa sa teleseryeng “The General’s Daughter” dahil sa patuloy nitong paghakot ng mga manonood at mga papuri mula sa netizens para sa buwis-buhay na mga eksena at stunts nito.
 
Dahil sa pagtakas ni Rhian (Angel) mula sa militar para tugisin si Tiago (Tirso Cruz III), nakakuha ang serye ng national TV rating na 32.4% noong Martes (Mayo 28) laban sa “Sahaya” na nakakuha lang ng 20.6%, base sa datos ng Kantar Media.
 
Tinutukan din ang mga trending na eksena noong Lunes (Mayo 27), tampok ang pag-akyat ni Angel sa building nang walang stunt double, na nagtala ng national TV rating na 31.4% noong laban sa “Sahaya” na nakakuha lang ng 19.3%.
 
Inuulan naman ng papuri mula sa netizens ang naturang episodes na sinusundan ang misyon ni Rhian, matapos niyang matuklasan na siya ang nawawalang anak nina Marcial (Albert Martinez) at Corazon (Eula Valdez) na si Arabella.
 

Ayon sa Twitter user na si @jremly15, “Sa bagsik at pakikipaglaban, kapantay ni Rhian ang ibang roles na binigyang buhay ni Angel Locsin. Pero sa tapang na na may sukdulang katapatan, daig ni Rhian lahat dahil wala siyang kahit anong superpowers.”
 
Sabi naman ni @__geeyuh, “The!! Angel!! Locsin!! Climbing her way up that building. Nakaka-proud. She's proving she will and she can. No injury can stop her. Ibang klase ang dedikasyon mo!”
 
Komento ni @backpacknirhian, “Thank you @143redangel for giving us a show that leaves us in awe every night. No one could ever do that scene,” samantalang nag-post naman ang YouTube user na si Jonaliza Cadiz ng “Grabe galing ni Angel. Wala pa katapat dito sa Pinas sa galing niya. Angelina Jolie in action… Pang-international talaga siya.”
 
Ngayong hinahanap pa rin ng mga awtoridad si Rhian, nakadetine naman ngayon si Marcial matapos nitong pumagitna sa pagitan ng mga sundalo at kanyang anak. Nagdudulot naman ang sitwasyon ng matinding galit at inggit kay Jessie (Ryza Cenon) na naniniwalang inilalagay ni Rhian sa kapahamakan ang kanilang pamilya.
 
Hanggang kailan kayang magtago ni Rhian, gayong nakasalalay na ang buhay at reputasyon ng kanyang pamilya sa kanya? Tuluyan na bang ipapagkanulo ni Jessie ang kapatid?
 
Tutukan ang “The General’s Daughter” sa ABS-CBN at ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin ang www.abscbnpr.com.