News Releases

English | Tagalog

Huling batch ng adult "PBB Otso" housemates, kikilalanin sa bahay ni Kuya

May 30, 2019 AT 11:05 AM

Kilalanin ang pinakahuling batch ng adult housemates sa bahay ni Kuya na nakumpleto nitong Lunes (May 27).
 
Kasabay ng pag-alis ng batch three ‘big four’ teens noong Linggo (May 26), pumasok na sa loob ng bahay sina Sky Quizon, ang "Summa Cum Lau Bae ng Tarlac," Hasna Cabral, ang  "Ukay Nanay ng Cavite," Franki Russel, the "Wandering Stunner ng New Zealand," Wealand Ferrer, ang "Kwelamazing Kuya ng Nueva Ecija,"  Argel Baisanon, ang "Prodigal Probinsyano ng Negros Oriental," at Jamie Salenga, ang "Responsible Rampanganay ng Quezon City.
 
Samantala, pinakilala naman noong Lunes (May 27), ang natitirang anim na housemates na sina  Mae Alfante, ang “Inday Indak ng Davao,” Banjo Dangalan, ang “Funny Fighter ng Quezon City,” Kiara Takahasi , ang “Singing Surfer ng La Union,” Akie Poblete, ang Sayaw Signore ng Italy,”Diana Mackey, ang “Adventurous Anak ng Taguig” at Gino Roque IV, ang “Business Man of Steel ng Quezon City.”
 
Sa pagsisimula ng kanilang pakikipagsapalaran sa loob ng Bahay ni Kuya, mabuo kaya ang hindi pagkakaintindihan o mas titibay ang relasyon nila?
 
Abangan ang titinding eksena sa loob ng ‘Bahay ni Kuya’ gabi-gabi sa ABS-CBN. Mapapanood din ang “PBB Otso Gold” sa Kapamilya Gold pagkatapos ng “Los Bastardos.” Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram, o kaya’y bisitahin ang www.abscbnpr.com.