News Releases

English | Tagalog

Edward, papairalin ang katapangan para sa ina sa "Hiwaga ng Kambat"

May 31, 2019 AT 09:44 AM

Isang hamon ang haharapin ni Iking (Edward Barber) na susubok sa kanyang tapang ngayong malalagay sa panganib ang kanyang nanay-nanayang si Panying (Malou De Guzman) dahil sa kasamaan ni Zandro (Epy Quizon) ngayong Linggo (June 2) sa “Hiwaga ng Kambat.”
 
Inumpisahan na nga ni Zandro ang kanyang masasamang plano matapos niyang subukang kuhain ang loob ni Iking. Pero hindi pa doon natatapos ang lahat dahil pupunteriyahin naman niya si Panying at sasaktan ito para mapilit na ibenta sa kanya ang tinitirhan nilang lupa.
 
Kahit mapangib, buong tapang na ililigtas ni Iking si Panying gamit ang buong lakas niya bilang paniki. Ngunit sa kasamaang palad, makikita siya ng isang pulis na makakakita sa kanyang kapangyarihan na magiging dahilan naman ng pagkakabunyag ng kanyang pagkato.
 
Ngunit sa gitna ng kaguluhan, unti-unti namang mapapalapit sa katotohanan ang binatang paniki sa pagkakalapit nila ng kanyang tunay na inang si Melissa (Sunshine Cruz) ngayong nagkrus na ang kanilang landas. Pero kaabikat nito ang panganib dahil patuloy na tutulungan ni Matteo (Grae Fernandez) ang ama niyang si Zandro sa kanyang kasamaan.
 
Ano pa nga bang panganib ang haharapin ni Iking?
 
Panoorin ang “Hiwaga ng Kambat” bago mag-“Idol Philippines” tuwing Linggo sa ABS-CBN at ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Para sa updates, pumunta lamang sa abscbnpr.com at i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram.