News Releases

English | Tagalog

Gwen, Jem, at Alfred evicted na sa "PBB Otso"

May 06, 2019 AT 02:13 PM

Sina Gwen Apuli, Jem Macatuno, at Alfred Beruzil ang hinirang na latest evictees ng Batch 3 teen housemates sa ginanap na triple eviction ng “PBB Otso” noong Linggo (May 5).
 
Ang tatlong teen housemates ang nakakuha ng pinakamababang boto. Nagkamit si Jem ng 5.98% ng public votes, na sinundan naman ni Gwen na nakakuha ng 2.9%, at panghuli si Alfred na nagtala naman ng 2.62%.  Patuloy naman sa kanilang pangarap sina Ashley Del Mundo (69.93%), Yen Quirante (10.54%), at Shoichi Oka (8.03%) matapos silang manguna sa listahan ng botohan.
 
Samantala, humarap sa matinding pagsubok noong nakaraang linggo ang teen housemates matapos maganap ang “Homecoming B8ttle,” kung saan nakipaglaban sila sa ex-housemates ni Kuya sa basketball at volleyball upang mapanatili ang kalahati ng kanilang weekly budget at makita ng housemate na si Angela ang kanyang ina. Nabigo man ang girls sa kanilang laban, bumawi naman ang boys matapos nilang tambakan sa kanilang laro ang mga kalaban.
 
Samantala, haharapin ng teen housemates ang ibang naging housemates nitong PBB Otso – ang “Team LAYF” na binubuo ng Batch 2 Adult Big 4 na sina Lou Yanong, Andre Brouillette, Yamyam Gucong, at Fumiya Sankai sa kanilang bagoing hamon ngayong lingo, ang “Pinoy Big Bakbakan.”  
 
Magtagumpay kaya ang housemates sa challenge na ito?
 
Panoorin ang “PBB Otso,” gabi-gabi sa ABS-CBN. Mapapanood din ang “PBB Otso Gold” sa Kapamilya Gold pagkatapos ng “Los Bastardos.” Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram, o kaya’y bisitahin ang www.abscbnpr.com.