News Releases

English | Tagalog

Team YeY Season 4 aarangkada kasama ang bagong barkada

May 06, 2019 AT 08:29 PM

Team YeY returns for Season 4 with new friends

Get to know Kaycee, Omar Uddin, Marco Masa, and Xia Vigor

Nagbabalik ang Team YeY para season 4 na puno ng mga kaalaman habang napaglilinang ang isipan kasama ang mga bagong kabarkadang sina Kaycee, Omar Uddin, Marco Masa, at Xia Vigor.
 
Para sa kabataan ang bawa’t araw sa “Team Yey” na hitik sa mga  pagkakataong matuto at paglinangin ang sarili.
 
Tuwing Lunes, mahuhubog ang galing sa galaw at pagsayaw kasama sina Nhikzy Calma, JC Gumacal, at Orange Bilgera sa “Galaw Go”; tuwing Martes naman, matutong gumawa ng pagkaing kaaya-ayang kainin kasama sina Sophie Reola, Lady Pipay, at ang bagong ka-YeY na si Xia Vigor para sa “Snaks Naman”; kapag Miyerkules, sagot na nina Jana Agoncillo, Hannah Lopez Vito, at Althea Guanzon ang paglikha ng arts at crafts mula sa iyong imahinasyon sa “Artstig”; sa Huwebes, makilaro at makisaya ng ng iba’t-ibang palaro at isports kasama sina JM Canlas, Lei Andre Navarro,at Zyren Dela Cruz sa “Gameplay”; habang sa Biyernes naman, samahan sina Yesha Camile, Santino Santiago, at Erika Clemente na magbibigay buhay sa mga kwentong kapupulutan ng kaalaman at aral sa “StorYeY.”
 
Sa Sabado, gagamit ng musika ang mga bagong Team YeY kids na sina Kaycee, Omar, at Marco upang maipakita ang tunay na galing sa  “Soundcheck”; sa Linggo, nagsasama-sama ang buong barkada para sa isang araw ng challenges at palaro na hahamon sa tatag ng kanilang isip, loob at pagsasama-sama.  
 
Ang Team YeY ang natatanging  programang naisusulong ang kapakanan at kaalaman ng mga kabataan mula sa mga kabataan.
 
Para sa season premiere sa Lunes ng 8:30 am, na may replay araw-araw ng 3:00 pm, itatampok ang “Galaw Go” episode tungkol sa misteryo ng Mime. Ipapakita dito ang ibat-ibang kalse ng paggalaw at pagsayaw, mula sa pang-araw-araw na galwa, mga kilos ng hayop, hip-hop, at folk na sayaw para mas ma-enjoy ng mga kabataan.  Layunin ng segment na  mahimok ang kabataan na maipakita ang tunay na nararamdaman, iapunawa ang personalidad at hubugin ang pangkabuuang pangangatawan ng nga kabataan.
 
Ang YeY ay isang free at exclusive na channel sa ABS-CBN TVPlus, na makukuha sa one-time payment na P1499. Ang ABS-CBN TVPlus signal coverage ay available sa Metro Cebu, Cagayan De Oro, Iloilo, Bacolod, Davao, Metro Manila, Bulacan, Nueva Ecija, Pangasinan, Rizal, Laguna, Pampanga, Tarlac, Benguet, Batangas at Cavite. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang tvplus.abs-cbn.com at sundan ang ABS-CBN TVplus at YeY sa Facebook. Maaari ring mag-subscribe sa YeY YouTube channel para makapanood ng YeY araw-araw.
 
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin ang www.abscbnpr.com