News Releases

English | Tagalog

Mobile phone pwedeng maging TV gamit ang bagong ABS-CBN TVplus Go

June 01, 2019 AT 01:15 PM

ABS-CBN launches another first--TVplus Go

The daily commute is going to be more enjoyable now that Filipinos can watch their favorite Kapamilya shows on their smartphones as ABS-CBN, the country’s leading media and entertainment company, rolls out the new ABS-CBN TVplus Go – the mobile version of its best-selling digital television product, ABS-CBN TVplus, today, June 1, in 28 Cellboy and Celltime branches located in SM Malls in Metro Manila.

ABS-CBN, unang TV network sa bansa na naglunsad ng mobile digital broadcast receiver

Mas pinadali at pinamura na ng ABS-CBN, ang nangungunang media at entertainment company sa bansa, ang pagsubaybay ng Kapamilya shows at TVplus exclusive channels dahil pwede nang mapanood ang mga palabas ng ABS-CBN sa Android smartphones na hindi kailangan gumamit ng data o internet sa pamamagitan ng pinakabagong ABS-CBN TVplus Go, ang mobile version ng ABS-CBN TVplus.

Gamit ang ABS-CBN TVplus Go dongle, na mabibili sa presyong P799, pwede na mapanood ang ABS-CBN pati ang TVplus exclusive channels na ABS-CBN S+A, DZMM TeleRadyo, CineMo, YeY, Knowledge Channel, MYX, Asianovela Channel, Movie Central, Jeepney TV, at O Shopping sa Android smartphones nang malinaw.

“Maraming Pilipino ang gumagamit ng mobile phones dahil parte na ito ng kanilang pang araw-araw na buhay. Layunin naming na bigyan ang bawa't Pilipino ng mas madali at murang paraan para makakuha ng impormasyon at makapanood ng kanilang mga paboritong palabas kahit anong oras at kahit saan,” ayon kay ABS-CBN Access head Charles Lim.

Para magamit ang ABS-CBN TVplus Go, kailangan lang i-download ang ABS-CBN TVplus Go App sa Google Play Store, i-connect ang ABS-CBN TVplus Go sa Android USB OTG (on-the-go) phone, at mag-register online para makuha ang mas maraming channels.

Maari ring i-text ang OTG <phone brand and model> at i-send sa 23661 o pumunta sa tvplusgo.abs-cbn.com/otg para i-check kung USG OTG (on-the-go) and Android phone.

Isa na namang makabagong produkto ang ABS-CBN TVplus Go na inilunsad sa loob lamang ng apat na taon matapos ipinakilala ng Kapamilya network ang ABS-CBN TVplus, ang unang digital terrestrial television (DTT) service sa bansa. ABS-CBN din ang unang TV network sa Pilipinas na naglunsad ng mobile digital broadcast receiver.
 
Sa pamamagitan ng ABS-CBN TVplus Go, madadala na ang TVplus experience ng mga Pilipino sa kanilang tahanan sa mga lugar na may digital signal kabilang na ang Metro Manila, Rizal, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Batangas, Tarlac, Pangasinan, Baguio City, Cavite, Laguna, Iloilo City, Bacolod City, Metro Cebu, Cagayan de Oro City, at Davao City.  

Kabilang na rin ang ABS-CBN TVplus Go sa listahan ng digital properties ng ABS-CBN na layunin na manguna sa pag-transition ng buong bansa sa digital broadcast bago sumapit ang 2023.

Available na ang ABS-CBN TVplus Go sa lahat ng Cellboy at Celltime outlets na matatagpuan sa SM Malls sa Metro Manila, Cavite, at Bulacan.