News Releases

English | Tagalog

Celebrities at senior citizens nagdadagdag-kilig sa "KapareWho" ng "It's Showtime"

June 19, 2019 AT 12:53 PM

Celebrities and senior citizens spice up "It's Showtime's" "KapareWho"

“It’s Showtime” has upped the ‘kilig’ factor in its hit compatibility game by launching “KapareWho Surprise,” a special Friday edition.

Dahil sa araw-araw na pagtutok ng madlang people, mas ginawang espesyal ang bawat Biyernes ng “It’s Showtime” sa compatibility segment nitong “KapareWho Surprise” tampok ang iba’t ibang celebrities at nakakatuwang pagma-match ng mga taong naghahanap ng kaibigan o makakasama.
 
Ngayong linggo, kaabang-abang ang naging paresan dahil sumalang sa top-rating noontime show ang mga aktres na sina Rachel Lobangco at Andrea Del Rosario, na nakapares sina Ping Medina at ang pinakabagong Hagibis member na si Jack Gamboa.
 
Marami ring manonood ang kinilig sa pagsisimula ng “KapareWho Surprise,” kung saan sumabak sa segment ang mga aktres na sina Via Veloso and Katrina Paula, na pinili namang kapares ang basketball player na si Mark Andaya at ang Itchyworms bassist na si Kelvin Yu.
 
Noong nakaraang linggo naman, itinampok ang senior citizens na gustong magsimula ng pagkakaibigan, gaya ng isang 67 anyos na ballroom dancer na nakapares ang isang Pinoy na taga-Hawaii, at isang 75 anyos na financial consultant na pinili ang isang dating scuba diver.
 
 

Ang “KapareWho” ay isang compatibility game, kung saan tampok ang dalawang “Who-mahanap” o mga dalaga o biyudang edad 40 taon at pataas na kinikilatis ang mga “Kala-who-k,” tatlong lalaking nakamaskara. Sa pamamagitan ng mga tanong at hamon, pipili ang dalawang “Who-mahanap” ng napupusuang maging kasama o kaibigan.
 
Sa mga nakalipas na buwan, naging surprise “Kala-Who-k” na rin ang mga aktor na sina Jeric Raval, Mon Confiado, Keempee de Leon, Carlos Agassi, at Wowie De Guzman.
 
Huwag palampasin ang good vibes na hatid ng “It’s Showtime,” tuwing tanghali sa ABS-CBN at sa ABS-CBN HD (Sky Cable ch 167). Para sa past episodes ng programa, pumunta lamang sa iWant TV o sa skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers.