News Releases

English | Tagalog

Pahayag ng ABS-CBN sa pagpanaw ni Eddie Garcia

June 20, 2019 AT 11:14 PM

Pahayag ng ABS-CBN sa pagpanaw ni Eddie Garcia

Ang ABS-CBN ay nakikiisa sa buong bayang nagluluksa sa pagpanaw ng isang alamat na si Eddie Garcia.

Ang ABS-CBN ay nakikiisa sa buong bayang nagluluksa sa pagpanaw ng isang alamat na si Eddie Garcia.

Ang ating Tito Eddie, na may tunay na pangalang Eduardo Verchez Garcia, ay kilala bilang isa sa mga pinaka-premyadong aktor at direktor sa Philippine television and cinema.

Isa naming karangalan na si Tito Eddie ay naging bahagi ng aming pamilya. Siya ay hinangaan sa kanyang katangi-tanging pagganap sa mga TV show tulad ng "FPJ's Ang Probinsyano," Wansapanataym," "Nathaniel," "Give Love on Christmas: The Gift Giver," "Sana Bukas Pa Ang Kahapon," "Honesto," "Juan dela Cruz," at "Maalaala Mo Kaya."

Nagmarka rin ang kanyang pagganap sa mga pelikula ng ABS-CBN katulad ng "Bwakaw," "Ang Panday," "Praybeyt Benjamin," at iba pa. Si Tito Eddie lang ang tanging indibidwal na hinirang sa tatlong kategorya ng Hall of Fame sa FAMAS: Best Actor, Best Supporting Actor, at Best Director.

Sa mahigit pitong dekada at 600 pelikula, ipinakita ni Tito Eddie ang ibayong husay at propesyonalismo sa trabaho. Sana'y mabigyan namin ng sapat na pagpupugay ang kanyang talento at pagiging mabuting tao.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 3 PHOTOS FROM THIS ARTICLE