News Releases

English | Tagalog

"The Blood Sisters," aarangkada sa Kazakhstan

June 25, 2019 AT 12:38 PM

"The Blood Sisters" to premiere in Kazakhstan

“The Blood Sisters,” ABS-CBN’s 2018 hit crime drama starring Erich Gonzales who played triplets, is set to thrill viewers in Kazakhstan as the Kapamilya teleserye is slated to premiere in one of Kazakhstan’s leading TV networks, Channel 31.

Mas makikilala pa ang husay ng mga teleseryeng gawang Pinoy abroad dahil eere sa unang pagkakataon ang Kapamilya crime drama series na “The Blood Sisters” ni Erich Gonzales sa Kazakhstan via Channel 31, isa sa mga nangungunang networks sa naturang bansa.

Dahil sa matagumpay na deal ng ABS-CBN at Channel 31, mas tumibay pa ang reputasyon ng Kapamilya network bilang producer ng mga magagandang teleserye na tinatangkilik ng international viewers.

Bukod sa “The Blood Sisters,” ilan din sa mga Kapamilya teleseryes na namamayagpag abroad ngayong taon ay ang “Pangako Sa’Yo” sa Dominican Republic, “Halik” sa Tanzania, at ang inaabangang local adaptation ng “Hanggang Saan” sa Turkey.

Noong 2018, maaalalang laging panalo sa timeslot nito ang “The Blood Sisters” na naging usap-usapan rin ng netizens sa Twitter dahil sa magandang takbo ng kwento nito na tinutukan ng sambayanang Pilipino.