News Releases

English | Tagalog

Cory Vidanes, huwarang babaeng lider ayon sa MEGA magazine  

June 28, 2019 AT 11:34 AM

ABS-CBN’S Cory Vidanes honored with NEWPH award for women leadership

ABS-CBN chief operating officer of Broadcast Cory Vidanes was recently recognized for her contributions and achievements in the media industry and for being “the epitome of true women leadership” at the recent 2019 MEGA #NewPH Awards.

Star Magic, Bianca, Iza, at James, panalo rin sa MEGA #NewPH Awards

Ginawaran ng 2019 MEGA #NewPH award ang ABS-CBN chief operating officer para sa Broadcast na si Cory Vidanes kamakailan lang dahil sa kanyang mga kontribusyon sa industriya at sa pagiging huwarang babaeng lider.
 
Sa kanyang talumpati pagkatanggap ng tropeo, nagbigay-pugay ang respetado at minamahal na media executive sa pamilyang Pilipino, na nagsisilbing inspirasyon ng Kapamilya network sa mahigit anim na dekada nitong paglilingkod sa bayan.
 
“Salamat sa bawat Pilipino. Ang inyong mga kwento ang inspirasyon namin sa paggawa ng maganda at makabuluhang palabas na naghahatid ng pag-asa, lakas, at ng pagmamahal,” aniya.
 
Isang beterano sa industriya si Vidanes na may higit tatlong-dekadang karanasan sa media. Aniya, sa ABS-CBN niya nahanap ang mas malalim na layunin sa buhay na makapaglingkod sa kapwa Pilipino, at ito ang dahilan kung bakit nananatili niyang minamahal ang kanyang trabaho.   
 
“Nakakataba ng puso na kasama sa trabaho ko ang ibandila ang talento ng Pilipino at gumawa ng mga produkto para sa mga Kapamilya sa buong mundo,” pahayag niya,
 
Bukod kay Vidanes, pinarangalan din ang iba pang miyembro ng Kapamilya network sa ginawang awarding sa Sofitel Manila Grand Ballroom noong Hunyo 12. Ginawaran din ng #NewPH award ang Star Magic para sa pagtangkilik ng talentong Pilipino at sa gabay na binibigay nito sa mga “pinakamagaling na artista sa bansa.” Kinilala naman sina Bianca Gonzalez-Intal at Iza Calzado sa pagsuporta sa kapwa babae sa pamamagitan ng grupong She Talks Asia, habang si James Reid ay isa sa pinarangalan dahil sa pagpapalaganap ng Original Pilipino Music sa kanyang production label na Careless Music Manila.
 
Naroon para tanggapin ang award para sa talent management arm ng ABS-CBN sina Star Magic head Johnny Manahan at Star Magic artist na si Robi Domingo.
Isinasagawa ng MEGA Magazine ang #NewPH Awards upang ipagdiwang ang mga maipagmamalaki sa lahing Pilipino.
 
Para sa updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Instagram, at Twitter o pumunta sa  abscbnpr.com.