News Releases

English | Tagalog

KAPAMILYA BOOKS BLOWOUT MAGAGANAP SA MARKET! MARKET! NGAYONG HUWEBES

June 03, 2019 AT 05:23 PM

Meet your favorite authors at the Kapamilya Books Blowout

Vice Ganda to formally launch “Tutoy”

Makikisaya ang Phenomenal Superstar na si Vice Ganda, sina Enchong Dee, feng shui master Hanz Cua, Maris Racal, at Mario Mortel sa kauna-unahang Kapamilya Books Blowout na magaganap sa Huwebes (June 6) sa Market! Market! sa Taguig.
 
Pagkakataon na ring makakuha ng malalaking diskwento ang mga bisita sa mga librong mula sa ABS-CBN Books at makasama sa meet-and-greet sessions tampok ang ilan sa mga paboritong authors.
 
Darating sina Ana Cruzate, Arlo Icabandi, Binibining Mia, Charmaine Lasar, Ethyl Dela Pena, Jamille Fumah, Patyeah, Queen Elly, Ruth Mendoza, at Senyorita para makilala ang kani-kanilang fans at pumirma ng mga libro.
 
Sa gabi ng Kapamilya Books Blowout ay magaganap naman ang opisyal na paglulunsad ng pinakabagong libro ni Vice Ganda na pinamagatang “Tutoy.”
 
Makakasama sina Jackie Gonzaga, Ion Perez, at ang Bakla ng Taon sa inaabangang programa, pati na rin ang hosts na sina Chad Kinis at Lloyd Cadena.
 
Huwag palampasin ang Kapamilya Books Blowout sa Market! Market! Activity Center ngayong Huwebes (June 6), 10am. Para sa karagdagang impormasyon, sundan ang @ABSCBNBooks sa Facebook at Instagram. Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram at bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.