News Releases

English | Tagalog

“Hana Nochi Hare,” unang Japanese drama hit na handog ng Asianovela Channel

June 06, 2019 AT 07:08 PM

Asianovela Channel to air first Japanese drama hit  “Hana Nochi Hare”

“Go Back Couple” makes its Kapamilya comeback

Patuloy ang kilig overload sa Asianovela Channel, ang ultimate fanbayan on free TV na nasa TVplus, ngayong Hunyo sa pag-ere nito ng pinakaunang Japanese drama hit na “Hana Nochi Hare”  at ng pagbabalik Kapamilya ng tandem na sinubok ng pagkakataon sa “Go Back Couple.”
 
Balik kilig ang viewers sa Japanese version ng “Boys Over Flowers” na “Hana Nochi Hare” season 2. Mapapanood ang hit Japanese Asian drama simula Hunyo 24. (Lunes–Biyernes, 7:00 AM; may replay tuwing 12:00 PM at 8:00 PM). 
 
Nagbabalik kulitan naman sina Choi Ban-Do (Son Ho-Jun) at asawang si Ma Jin-Joo (Jang Na Ra) na nabigyan ng pangalawang pagkakataon sa kanilang buhay pag-ibig sa “Go Back Couple” simula Hunyo 17. (Lunes–Biyernes, 6:00 AM at 6:00 PM; may replay sa Hunyo 22 at 23, 5:00 AM).
 
Samantala, tampok din sa Asianovela Channel ang kwento ng isang Korean top star na si Choi Siwon at ang kanyang manager na si Chae Rim sa pagsasama nila sa iisang bahay? Alamin sa “Oh! My Lady” simula Hunyo 10. (Lunes–Biyernes, 9:00 AM; may replay tuwing 2:00 PM at 7:00 PM).
 
Pag-iibigan naman nina Kang Chul (Lee Jong-Suk), isang mayaman na lalaki mula sa isang kathang isip na mundo ng webtoon “W,” at ni Oh Yeon-Joo (Han Hyo-Joo) isang doctor sa totoong mundo, ang magpapaantig sa manonood sa “W” simula Hunyo 10 (Lunes–Biyernes, 11:00 AM; may replay tuwing 4:00 PM at 11:00 PM).
 
Tunghayan naman ang career woman na makukulong dahil sa maling bintang sa “Woman With A Suitcase.”Mapapanood ito sa Asianovela Channel simula Hunyo 1. (Lunes–Biyernes, 10:00 AM).
 
Patuloy ding masusubaybayan sa Asianovela Channel ng ABS-CBN TVplus buong Hunyo ang Koreanovela favorites na “Because This Is My First Life,” “I Am Not A Robot,” Twenty Again, “The Good Wife,” “Hwarang,” at “My Dearest Intruder.”
 
Mas marami na ring TVplus users ang tumatangkilik sa Asianovela Channel na ngayon ay ika-walong pinakapinapanood na channel sa mga kabahayan na naka-DTT, ayon sa Kantar Media Q4 2018 report na sakop ang DTT households nationwide.
 
Tumutok lang sa Asianovela Channel, ang ultimate fanbayan on free TV, para mapanood ang Asian drama hits na ito at marami pang palabas. Para sa karagdagang impormasyon, i-follow ang Asianovela Channel sa Facebook (fb.com/AsianovelaChannel). Para sa mga update, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o magpunta sa www.abs-cbn.com/newsroom.
 
 

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 3 PHOTOS FROM THIS ARTICLE