News Releases

English | Tagalog

"The Girl In The Orange Dress" nina Jessy at Jericho, bida sa Cinema One

July 11, 2019 AT 05:48 PM

"The Girl In The Orange Dress" airs on Cinema One this Sunday

Jessy and Jericho's first team-up "The Girl In The Orange Dress" premieres on Cinema One this July 14.

Nagbabalik-telebisyon sina Jessy Mendiola at Jericho Rosales sa kanilang 2018 Metro Manila Film Festival entry na “The Girl in the Orange Dress” na mapapanood ngayong Linggo (July 14) sa Cinema One.
 
Sa unang pagkakataon nakatambal ni Jericho si Jessy sa itinuturing ng aktres na biggest movie break niya, ang rom-com na umiikot sa mystery girl na si Anna (Jessy).
 
Isang mahiyaing babae si Anna na magigising sa isang hotel room kasama ang pamosong artista na si Rye (Jericho) at walang maalala kung bakit siya napunta doon. Alamin kung paano tatakasan ng dalawa ang fans at media lalo na ang bestfriend ni Anna na isang fan ng aktor.
 
Para kay Miggy Ramos ng film site na Cinema Bravo, nadali ng pelikula ang romantic at comedy side nito. Nakuha daw ni Direk Jay Abello ang tamang timpla na magbibigay ngiti sa mga manonood mula sa simula hanggang sa matapos ang pelikula.
 
Kasama nina Jericho at Jessy dito sa pelikula sina Ria Atayde, Sheena Halili, Hannah Ledesma, Cai Cortez, Thou Reyes, Nico Antonio, Via Antonio, at Juan Miguel Severo.
 
Ang “The Girl In The Orange Dress” ay iprinodyus ng Star Cinema, Quantum Films, at MJM Productions at mula sa direksyon ni Jay Abello.
 
Huwag palampasin ang “The Girl in the Orange Dress” ngayong Linggo (July 14), 7pm sa Cinema One, na mapapanood sa SKYcable Channel 56, SKYdirect Channel 19, Destiny Cable Analog 37 at Digital 56. Panoorin din ang 25th anniversary theme song ng Cinema One, ang “Laging Kasama,” sa YouTube. Para sa karagdagang impormasyon

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 2 PHOTOS FROM THIS ARTICLE