News Releases

English | Tagalog

Eugene Domingo, nagbabalik sa "Septic Tank 3" ng iWant

July 02, 2019 AT 02:38 PM

Eugene Domingo as Josephine Bracken in iWant series "Septic Tank 3"

Actress Eugene Domingo returns to her iconic role as herself in the mockumentary “Ang Babae sa Septic Tank 3,” the follow-up to the two critically acclaimed “Septic Tank” movies.

Muling bubuhayin ni Eugene Domingo ang tumatak niyang role bilang sarili niya sa “Ang Babae sa Septic Tank 3: The Real Untold Story of Josephine Bracken,” na ekslusibong mapapanood bilang series sa streaming service na iWant simula Hulyo 17.
 
Matapos ang box-office performance ng naunang dalawang “Septic Tank” movies, magiging sentro sa “Septic Tank 3” series ang paggawa ng isang historical biopic.
 
Sa “Septic Tank 3,” mapapagtanto ni Eugene na may ibubuga pa siya bukod sa pag-arte at hahamunin ang sariling bumida, idirek, at i-produce ang sarili niyang pelikula tungkol kay Josephine Bracken, ang huling kasintahan ni Jose Rizal.
 
Bilang isang first-time direktor, kukunin ni Direk Uge ang pinakamagagaling sa industriya para maganda ang kinalabasan ng una niyang pelikula.
 
Ano naman kaya ang mangyayari kapag ang hunky actor na si Tony Labrusca ang gaganap bilang si Jose Rizal sa seven-episode series?
 
Bago naman mapapanood ang serye, maaaring panoorin nang libre sa iWant ang unang dalawang “Ang Babae sa Septic Tank” movies tungkol naman sa indie film industry at Pinoy rom-com.

 

Abangan ang buong pitong episodes ng “Ang Babae sa Septic Tank 3” simula Hulyo 17 sa iWant app (iOs at Android) o sa iwant.ph. Para sa updates, i-like ang www.facebook.com/iWant, sundan ang follow @iwant sa Twitter at @iwantofficial at @dreamscapedigital sa Instagram, o mag-subscribe sa www.youtube.com/iWantPH.