News Releases

English | Tagalog

ABS-CBN at DZMM, wagi bilang Best TV Station at Best AM Radio Station sa Animo Media Choice Awards

July 20, 2019 AT 09:44 PM

“TV Patrol,” DJ Chacha, at Bernadette, binoto ng La Sallian alumni

Muling pinatunayan ng ABS-CBN na ito ang paboritong network ng mga dating estudyante ng De La Salle University-Dasmarinas (DLSU-Dasma) matapos iuwi ang mga natatanging parangal sa radyo at telebisyon sa ikalawang Animo Media Choice Awards.
 
Tinanggap ng Kapamilya network ang tropeo bilang Best TV Station, habang kinilala naman ang DZMM Radyo Patrol 630 bilang Best AM Station sa naturang awards, na ginanap sa Grand Alumni Homecoming ng paaralan noong Hulyo 20.
 
Samantala, nanalo rin ang flagship news program ng ABS-CBN na “TV Patrol” bilang Best TV News Program habang si “Lingkod Kapamilya sa DZMM” anchor Bernadette Sembrano ang tinanghal na Best Female AM Radio Anchor, at si DJ Chacha naman ng Kapamilya FM radio station na MOR 101.9 ang nagwagi bilang Best FM Female DJ.
 
Ito ang ikalawang taon na tinanggap ng Kapamilya network ang pinakamataas na parangal sa telebisyon sa Animo Media Choice Awards, kung saan pinagbotohoan ng alumni ng DLSU-Dasma ang mga nanalo. “Animo” ang napiling pangalan ng awards dahil pinapahiwatig ng terminong ito ang pagpupursige, hangarin, at puso ng mga Lasalista.
 
Para sa updates, sundan lamang ang @ABSCBNPR sa Twitter, Facebook, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.