News Releases

English | Tagalog

Ryan Bang, may bagong karibal na host sa “It's Showtime,” trending Twitter worldwide

July 23, 2019 AT 03:56 PM

Ryan Bang meets his “match” in “It's Showtime's” “KapareWho,” trends on Twitter worldwide

Number one noontime show welcomes Korean guest host

Nahanap ni Ryan Bang ang katapat niya bilang ang natatanging Korean host sa number one noontime show sa bansa na “It’s Showtime” dahil sa “KapareWho Surprise” segment ng programa na mainit na pinag-usapan sa social media.

Sa Friday (Hulyo 19) episode ng “It’s Showtime,” paulit-ulit na tinutukso ng hosts na sina Jhong Hilario, Vhong Navarro, and Vice Ganda si Ryan na mapapalitan na siya ni “Song-yupsal,” isa sa tatlong “Pinoy at heart” na Koreano na nakipagtagisan para mapili ng dalawang Pinay na K-pop fans sa hit compatibility segment.

Patok na patok ang segment sa mga manononood dahil bukod sa tuloy-tuloy na paghalakhak ng studio audience ay buong araw din itong pinagusapan hanggang gabi.

Kaya naman noong Lunes (Hulyo 22), sumabak na sa hosting ang YouTube vlogger na si Song-yupsal, na ang totoong pangalan ay JinHo Bae, isang singer-vlogger na 16 na taon nang naninirahan sa bansa.

Inabangan ng netizens ang “banggaan” nina Ryan at JinHo kaya naman nag-trend din ang hashtags na #SaveRyanBang, #ShowtimeBetnaBetFriends, at #JinHoBae sa top 5 spots online worldwide at sa Pilipinas noong Lunes.

Ang pagfi-feature ng mga Koreano sa naturang compatibility segment ay bahagi ng “KapareWho Surprise,” kung saan tampok ang dalawang “Who-mahanap” o mga dalaga o biyuda na kinikilatis ang mga “Kala-who-k,” tatlong lalaking nakamaskara tampok ang iba’t ibang celebrities at nakakatuwang pagma-match ng mga taong naghahanap ng kaibigan o makakasama.
 
Sa pamamagitan ng mga tanong at hamon, pipili ang dalawang “Who-mahanap” ng napupusuang maging kasama o kaibigan.
 
Sa mga nakalipas na buwan, naging surprise “Kala-Who-k” na rin ang mga aktor na sina Jeric Raval, Mon Confiado, Keempee de Leon, Carlos Agassi, at Wowie De Guzman.
 
 
Ituloy-tuloy ang good vibes na hatid ng “It’s Showtime,” tuwing tanghali sa ABS-CBN at sa ABS-CBN HD (Sky Cable ch 167). Para sa past episodes ng programa, pumunta lamang sa iWant TV o sa skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers.