News Releases

English | Tagalog

ABS-CBN, kinilala muli sa PH Best Employer Brand Awards

July 05, 2019 AT 11:24 AM

ABS-CBN recognized as Outstanding Employer at PH Employer Brand Awards

ABS-CBN was recognized once again as a preferred organization to work for in the Philippines at the recent Philippine Best Employer Brand Awards.

Dahil sa galing sa pag-aalaga sa empleyado
 
Muling hinirang ang ABS-CBN bilang isa sa natatanging mga kumpanya sa Philippine Best Employer Brand Awards  dahil sa husay nito sa pangangalaga sa empleyado nito.
 
Sa ikalawang sunod na taon, pinarangalan ngEmployer Branding Institute ang Kapamilya network dahil sa maganda nitong pasweldo, benepisyo, at oportunidad para sa mga empleyado nito, kaya naman marami ang gustong magtrabaho rito.
 
Dadagdag ang award na ito sa iba pang pagkilalang natanggap ng ABS-CBN para sa pagiging mahusay na employer. Noong 2018, nasama rin ang Kapamilya network sa “Best Companies to Work For in Asia ng HR Asia. Noong 2011, pinarangalan din ang ABS-CBN sa Asia’s Best Employer Brand Awards na ginanap sa Singapore. Ilang beses din itong napasama sa Jobstreet’s Top Companies that Employees Aspire to Work For list.
 
Tinanggap ni Paulo Tatad, ang head ng recruitment marketing at sourcing ng ABS-CBN, ang parangal sa ginanap na seremonya ng Employer Brand Institute sa Dusit Thani Manila sa Makati, kung saan ginawaran din ang ibang kumpanyang nakapagbibigay ng maayos na karanasan sa trabaho sa kanilang mga empleyado.
 
Para sa updates, sundan ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, ant Instagram o bumisita sa www.abscbnpr.com.
 

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE