News Releases

English | Tagalog

Pagkakaibigan nina Daniel at Ian, uusisain sa "Magandang Buhay"

July 05, 2019 AT 11:44 AM

Tututukan ng mga momshies na sina Momshie Karla Estrada, Jolina Magdangal, at Melai Cantiveros ang close friendship ng dalawang heartthrob na sina Daniel Padilla at Ian Veneracion sa “Magandang Buhay” sa darating na Lunes at Martes, Hulyo 8 at 9.
 
Hindi alam ng marami na close ang dalawang naggagwapuhang Kapamilya stars na nagsama sa “Got to Believe” at “Pangako Sa Yo.” Malayo man ang agwat ng kanilang edad, may nabuong malalim na pagkakaibigan ang dalawa dahil marami silang magkatulad na katangian, kasama na ang kanilang musical talent.
 
Uungkatin din ng momshies ang kanilang mga pinagkakaabalahan ngayong hindi na sila magkatrabaho . Huwag din palampasin ang mga bukingan ng dalawa tungkol sa kanilang love life at ang kanilang jamming na tiyak na kakikiligan ng momshies at anakshies.
 
Tuloy-tuloy ang paghahatid ng mga momshies ang magagandang kwentong kapupulutan ng aral ng mga Kapamilya.
 
Kaya patuloy na panoorin ang morning show tuwing umaga ng 8am pagkatapos ng "Umagang Kay Ganda."