News Releases

English | Tagalog

Tapatan ng mga Big Four, magaganap na sa "PBB Otso"

July 08, 2019 AT 02:45 PM

Umpisa na ng mas mainit na labanan sa “PBB Otso” ngayong isa-isa nang magbabalik sa bahay ni Kuya ang Big 4 ng bawa’t batch at upang hiranging ultimate big winner.

Una nagbalik sa “PBB” house noong Linggo (Hulyo 7) sina Karina Bautista ng Teen Batch 1 at Fumiya Sankai ng Adult Batch 2 na mainit na sinalubong nga kanilang fans. Agad din silang sumalang sa isang task kung saan nagsilbing human roulette si Fumiya at kinakailangang matamaan ni Karina ang mga marking na magdidikta sa kanilang magiging pagkain.

Bukod naman sa pagbabalik-bahay ng Big 4 ng bawa’t batch, dapat ding abangan kung sino nga ba ang ibinoto ng taong bayan na big winner ng bawa’t batch at paano nga ba nito mababago ang takbo ng laban ng housemates.

Samantala, kinumpleto nina Kiara Takashi at Argel Saycon ang listahan ng Batch 4 Big 4 matapos makakuha ang dalawa ng pinakamataas na boto mula sa taong bayan. Una naman nang nakapasok sa pinag-aagawang pwesto sina Akie Poblete at Wealand Ferrer nang mapagtagumpayan nila ang Big Jump challenges ni Kuya.\
Sino nga kaya ang magtatagumpay at hihiranging ultimate big winner?

Panoorin ang “PBB Otso,” gabi-gabi sa ABS-CBN. Mapapanood din ang “PBB Otso Gold” sa Kapamilya Gold pagkatapos ng “Los Bastardos.” Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram, o kaya’y bisitahin ang www.abscbnpr.com.